^

Metro

Pulis tinodas dahil sa video karera

-
Isang pulis ang binaril at napatay ng kapwa nito pulis dahil lamang sa pagtatalo hinggil sa iligal na operasyon ng video karera, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa Manila Sanitarium Hospital si SPO1 Cipriano Liyag Jr., 39, nakatalaga sa Camp General Pantaleon Garcia, Cavite Provincial Headquarters, Imus, Cavite sanhi ng ilang tama ng kalibre 9mm.

Kusang loob namang sumuko sa tanggapan ng Pasay City Police ang suspek na si PO3 Joseph Zuniga, 37, nakadestino sa Police Community Precint-5, ng nabanggit na istasyon ng pulisya.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-12:55 kahapon ng madaling araw sa tapat ng Jovi karaoke and restaurant na nasa San Juan st.

May dati na umanong alitan ang biktima at suspek hinggil sa video karera. Tiyempong nagkita ang dalawa sa nabanggit na restoran at naungkat ang kanilang di pagkakaunawaan na humantong sa pagtatalo hanggang sa maunahan ni Zuniga na paputukan si Liyag.

Agad itong isinugod sa ospital ng mga nakasaksi sa insidente, habang isinuko ng suspek ang kanyang sarili at baril na ginamit sa pamamaslang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CAMP GENERAL PANTALEON GARCIA

CAVITE PROVINCIAL HEADQUARTERS

CIPRIANO LIYAG JR.

JOSEPH ZUNIGA

LORDETH BONILLA

MANILA SANITARIUM HOSPITAL

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINT

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with