Driver, 2 pahinante tiklo sa panggagahasa
October 10, 2000 | 12:00am
Isang truck driver at dalawang pahinante ang dinakip ng mga operatiba ng Western Police District (WPD) station 1 matapos halinhinang gahasain ang isang dalagita na may diperensiya sa pag-iisip sa loob ng kanilang dalang sasakyan habang nakaparada sa Gagalangin, Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Sa isinumiteng ulat ni Supt. Virgilio Echeverria, hepe ng station 1, kinilala ang mga inarestong sina Dario Discartia, 35, may asawa, truck driver, ng Bgy. Osorio, Trese Martirez, Cavite City; Allan Dairo, 21, binata at Erick Riya, 25, binata, pawang helper ng Yatcoy Trucking at residente ng San Nicolas, Lipa, Batangas City.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Maria Cruz, ng WPD Women’s and Children’s naglalakad ang biktima na itinago sa pangalang Joan, 14, sa kahabaan ng del Pierro st. nasabing lugar ng tawagin siya ng tatlong suspek at inaya na sumakay sa kanilang nakaparadang truck.
Dahil sa pagiging mentally retardate ay madaling nahimok ang biktima at ng makapasok sa loob ng truck ay bigla itong pinagtulunganghubaran ng damit ng mga suspek.
Nabatid na nagsalit-salitan ang tatlong suspek sa pagpaparaos habang ng mga sandaling iyon ay pinaghahanap na ng mga barangay tanod ang biktima na noon ay inireport na nawawala.
Ayon sa magulang ng biktima, kamakalawa pa ng gabi hindi nakauwi ang biktima sa kanilang bahay.
Namataan ng mga tanod ang biktima na galing sa isang truck kaya’t kanilang inusisa. Makaraang ikuwento ang kanyang sinapit ay agad hinuli ang tatlo sa tulong na rin ng pulisya.
Nakatakdang sampahan ng kasong rape ang mga suspek. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest