Maid na inakalang nang-umit, gulpi-sarado sa amo
October 10, 2000 | 12:00am
Isang katulong ang itinali ng plastic tape, binusalan ang bibig, sinakal saka ginulpi ng amo nitong Kano matapos pagbintangan ng huli na kumuha ng kanyang nawawalang pera, kahapon ng umaga sa Makati City.
Bugbog-sarado na nagsadya sa tanggapan ng Womens and Childrens Desk Unit ng Makati police ang biktimang si Christine Salvador, 30, dalaga, naninilbihan sa Tickle Bar & Restaurant na nasa P. Burgos st., Bgy. Poblacion nabanggit na lunsod at nakatira sa #18-A East Road, San Roque, Cubao, QC.
Kinilala naman ang suspek na si Robert Pasquarello, 23, binata, negosyante at may-ari ng nasabing bar at nanunuluyan sa room no. 1554 Makati Palace Hotel sa P. Burgos naturang lugar. Kasalukuyan itong pinaghahanap ng pulisya.
Sa pahayag ng biktima kay PO2 Mylene Canlobo, dakong alas-10 ng umaga kahapon ay naghain ng almusal ang biktima sa kanyang among Amerikano, ngunit nagulat ang dalaga ng bigla itong nagalit at binato siya ng plato kung saan pinagbibintangan ng lalaki na ang kumuha ng nawawala niyang P2,800 ay ang biktima.
Itinanggi ng dalaga ang akusasyon, subalit sa halip na makinig ang suspek sa paliwanag ng biktima ay tinalian siya nito ng tape, binusalan ang bibig, sinakal at binugbog.
Natigil lamang ang panggugulpi ng dumating ang bodyguard nitong Pinoy at umawat. Nakatakdang sampahan ng kasong serious physical injury ang nasabing Kano. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended