5 nalunod sa QC creek: 2 patay, 3 nawawala
October 10, 2000 | 12:00am
Dalawang batang lalaki ang namatay habang tatlo pang kaibigan ng mga ito ang patuloy na pinaghahanap ang mga katawan matapos maligo at malunod sa isang creek, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Natagpuang lulutang-lutang sa ilog ang mga bangkay nina Marvin Painagan, 11 at Gaspar Angeles, 13. Patuloy namang ginagalugad ng search retrieval operations ng QC disaster team ang naturang ilog para sa mga katawan ng nawawalang sina Raymond Villamor, 12; Joven Triado, 10, at Jaime Garcina, pawang mga residente ng Bgy. Masambong, nasabing lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-3 noong Linggo ng hapon ng maligo ang mga biktima sa Dario River na nasa boundary ng Bgy. Masambong at Tullahan habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan.
Simula noon ay hindi na umano nakauwi sa kanilang mga bahay ang mga biktima kayat inireport sa pulisya ng kanilang nag-alalang magulang ang pagkawala ng mga bata.
Dakong alas-6 ng umaga ng matagpuan ng mga residente ang mga bangkay nina Painagan at Angeles na lulutang-lutang sa naturang ilog at agad na humingi ng tulong sa kanilang bgy. captain na si Rey de Jesus na siya namang humingi ng tulong sa search and rescue operation ng Quezon City.
Kaagad nagsagawa ng search and retrieval operation sa tatlo pang nawawalang kaibigan ng mga biktima na pinaniwalaang tinangay ng malakas na agos.(Ulat nina Gemma Amargo at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest