^

Metro

FX taxi sumalpok sa truck: 1 patay, 2 sugatan

-
Isa ang namatay habang dalawa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang FX taxi sa isang nakaparadang 10 wheeler truck kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Quirino Highway Brgy. Putik Novaliches.

Agad namatay si Victor de Jalino, 23 anyos, isang construction worker ng 531 Virgo St. Pangarap Village, Brgy. 181 Tala, Caloocan City habang ang mga kasamahan nitong sina Lito Nabuwal, 22 anyos, isang welder ng Catbalogan City at Adriano Cañero, 29 anyos ng 12 Virgo St., Pangarap Village Brgy. 181 Tala, Caloocan City ay malubhang nasugatan at isinugod sa St. Lorence Hospital.

Batay sa talaan ng pulisya, naganap ang naturang insidente dakong 11:45 ng gabi sa kahabaan ng nasabing lugar habang tinatahak ng FX taxi na may plakang PWY931 na minamaneho ng isang nagngangalang Jerry Peña at sakay ang mga biktima.

Dahil sa bilis ng takbo ni Peña hindi umano nakita nito ang nakaparadang truck sa harapan ng Southern System Refrigiration Aircon and Sale Parts sa nasabing lugar kaya’t sila ay sumalpok.

Sa lakas ng salpok ay nasawi si De Jalino.

Mabilis na tumakas si Peña at ang mga saksi ay agad sumaklolo sa mga biktima at isinugod ang mga ito sa nasabing ospital. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ADRIANO CA

CALOOCAN CITY

CATBALOGAN CITY

DE JALINO

JERRY PE

JHAY MEJIAS

LITO NABUWAL

PANGARAP VILLAGE BRGY

PUTIK NOVALICHES

QUIRINO HIGHWAY BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with