Biyuda tinodas sa gulpi ng lover
October 9, 2000 | 12:00am
Isang 35-anyos na biyuda ang lumasap ng malagim na kamatayan makaraang bugbugin ng live-in partner na lulong sa ipinagbabawal na droga kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ay kinilalang si Yolanda Roxas, residente ng 1280 Nicolas Zamora St., Tondo, Manila.
Kaagad namang naaresto ang suspek na nagtangka pa sanang tumakas na si Alfredo Gutierrez, 31, binata, driver, tubong Pampanga at pansamantalang nakikitira sa bahay ng biktima.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nagkaroon ng maliit na argumento ang magka-live-in subalit naubusan ng pasensya ang suspek kayat binugbog niya ang biktima hanggang sa mamatay.
Nabatid pa sa ulat na may kinalaman din sa droga ang pinagmulan ng pagtatalo ng dalawa.
Ilang mga kapitbahay ang nagsabing walang araw na hindi nagtatalo at nag-aaway ang magka-live-in na nauuwi sa pananakit ng suspek sa biktima. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended