^

Metro

Jude, manghuhuli ng abusadong taxi driver

-
Pangungunahan umano mismo ni Presidential son Jude Estrada ang panghuhuli sa mga abusadong taxi drivers sa nilagdaang kasunduan ng pinamumunuan niyang Anak ng Masa Foundation at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ito’y matapos dagsain ng napakaraming reklamo ang LTFRB mula sa mga pasahero na umangal sa pagtaas ng mga FX taxi driver partikular na ang mga biyaheng Pasig-Quiapo ng P5 sa kanilang pasahe na gumaya sa inaprubahang P1 taas-pasahe sa mga pampublikong jeep at bus.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement na pinirmahan ni Airforce Reserve Capt. Estrada at Chairman Dante Lantin, magpapanggap na mga pasahero ang mga miyembro ng Anak ng Masa. Sa oras na makatiyempo sila ng mga abusadong driver, huhulihin nila ito at sasampahan ng kaso sa korte.

Ayon sa LTFRB, karaniwang problema kaya hindi napaparusahan ang mga abusadong driver ay dahil sa hindi pagsipot ng mga nagrerekamong pasahero sa kanilang pagdinig sa korte, kaya halos lahat ng kaso ay nadi-dismiss.

Hinikayat din ni Lantin na isulat ng mga pasahero ang plaka at pangalan ng taxi na sinakyan at isumite agad sa kanilang tanggapan upang magawaran ng kaukulang aksyon o tumawag ang publiko sa kanilang hotline na 426-2505. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AIRFORCE RESERVE CAPT

ANAK

AYON

CHAIRMAN DANTE LANTIN

DANILO GARCIA

JUDE ESTRADA

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

MASA FOUNDATION

MEMORANDUM OF AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with