^

Metro

2 MMDA traffic enforcer tiklo sa lumang TVR

-
Agad tinanggal sa trabaho ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Jejomar Binay ang dalawang traffic enforcer, matapos mabunyag ang ‘‘modus ope-randi’’ ng mga ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga lumang Traffic Violation Receipt (TVR) sa mga driver.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Jeremias Arana at Felipe de Leon na dinakip sa isang entrapment operation na isinagawa ng grupo ng Traffic Management Group (PNP-TMG) kamakailan sa intersection ng EDSA Avenue, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Base sa reklamong natanggap ng MMDA ang mga suspek ay nagbebenta ng mga expired na TVR sa halagang P150 kada isa sa ilang bus driver na kay kasabwat na isang sibilyan na nakilalang si Edgar Projilla.

Nabatid na bumibili ang ilang bus driver ng luma o hindi nagamit na TVR kaya’t kapag nahuhuli ay ipapakita yung TVR na luma sa halip ang kanilang lisensiya.

Nang sa gayon ay hindi lisensiya nila ang makukumpiska kundi ang TVR na kanilang binili at ang ikakatwiran ng driver ay hindi pa nila natutubos ang kanilang lisensiya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CHAIRMAN JEJOMAR BINAY

EDGAR PROJILLA

FELIPE

JEREMIAS ARANA

LORDETH BONILLA

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHAW BOULEVARD

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

TRAFFIC VIOLATION RECEIPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with