10 Chinese nationals ipinatapon sa pekeng visa
October 7, 2000 | 12:00am
Sampung Chinese nationals na nahulihan kamakailan ng mga pekeng Papua New Guinea visas ang ipinatapon ng Bureau of Immigration pabalik sa Mainland China.
Kinilala ni Immigration Commissioner Rufus Rodriguez ang mga dineport na sina Zeng Hualin, Xue Wen, Chen Shangie; Chen Shangyu; Liu Rui; Weng Jingping, Xue Xiaosen; Mo Zhongwen; Wang Changguo at Lin Munghua.
Bukod sa pagpapatapon ng mga nabanggit na dayuhan ay itatala rin sila sa blacklist at pagbabawalan nang makapasok pa sa bansa.
Ayon kay NAIA-BI intelligence chief Cresencio Ablan, hindi nakasama sa booking ang mga nasabing Chinese nationals sa unang lipad ng eroplanong tutungo sa China makaraang mainspeksyon ang kani-kanilang mga pasaporte at napag-alaman na pawang mga pekeng visa ito ng Papua New Guinea. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended