^

Metro

Nangulilang Makabalik Sa Sariling Bansa, French National Nag-Suicide

-
Isang 40-anyos na French national ang nagbigti bunga ng labis na pangungulilang makabalik na sa kanyang sariling bansa, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Si Stephane Legrand, tubong France at pansamantalang nanunuluyan sa isang apartment sa 476 Sta. Monica st., Ermita ay nadiskubreng patay ng kanyang umano'y lover na nakilala lamang sa pangalang Mrs. Fernandez makaraang puwersahing buksan nito ang pintuan ng tinitirhan ni Legrand dakong alsa-6 ng gabi dahil sa walang sumasagot sa telepono makaraang tawagan niya ang huli.

Si Legrand na umano'y isang drug dependent ay nakitang nakahandusay sa sahig na may nylon cord sa leeg. Hinihinalang nagbigti ito subalit nakalas ang tali sa kisame kaya't ito ay bumagsak sa sahig.

Ayon naman kay Edmundo Cabal, officer on case, mayroong problemang pinansiyal ang biktima makaraang mabatid na ilang buwan ng hindi nakakapagbayad ito ng renta sa inuupahang apartment. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

EDMUNDO CABAL

ELLEN FERNANDO

ERMITA

HINIHINALANG

ISANG

LEGRAND

MAYNILA

MRS. FERNANDEZ

SI LEGRAND

SI STEPHANE LEGRAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with