^

Metro

300 menor-de-edad nasagip

-
Mahigit sa 300 kababaihan na pawang menor-de-edad na ni-recruit mula pa sa lalawigan ng Davao at hinihinalang masasadlak lamang sa "prostitution den" sa Japan ang nasagip ng mga kagawad ng Southern Police District (SPD) mula sa isang placement agency na nag-ooperate ng walang kaukulang permiso mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa isang pagsalakay na isinagawa kamakalawa sa bayan ng Taguig.

Nabatid kay SPD Director Sr. Supt. Manuel Cabigon, nakatanggap sila ng impormasyon na ang Talent Overseas Placement Services na ang address ay matatagpuan sa Compound 17, Veteran’s Center, Veteran’s Road ng nabanggit na bayan na pinamamahalaan umano ng isang nagngangalang Aurelio Villar Jr. ay nag-ooperate umano ng walang kaukulang permit sa POEA.

Ayon sa mga biktima, dinala sila sa nasabing placement agency upang mag-training ng sayaw at pagkanta sa loob ng tatlong buwan at kapag nakapasa ay ipadadala sa Japan bilang entertainer.

Nabatid na sinasagot ng naturang placement agency ang kanilang pamasahe paluwas ng Maynila at pagkain sa tatlong buwang pamamalagi nila rito habang nagte-training, kung saan hindi sila maaaring umalis dito at hinihigpitan umano silang lumabas ng compound. Sa sandaling makaalis ay ikakaltas sa kanilang susuwelduhin ang lahat ng ginastos sa mga ito.

Ngunit ayon kay Cabigon, pawang mga menor-de-edad ang biktima at posibleng masadlak ang mga ito sa prostitution.

Nakatakdang sampahan ng illegal recruitment at serious illegal detention ang may-ari ng nasabing agency. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AURELIO VILLAR JR.

AYON

CABIGON

DIRECTOR SR. SUPT

LORDETH BONILLA

MANUEL CABIGON

NABATID

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TALENT OVERSEAS PLACEMENT SERVICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with