Batasan Hills mataas pa sa Skyway ang toll fee
October 4, 2000 | 12:00am
Hindi lamang Skyway ang may pinakamataas na sinisingil na toll sa bansa.
Tinalo na ito ng 200-metrong malubak, maalikabok at minsan ay sementadong kalsada sa loob ng Batasan Hills Subdivision sa Quezon City na nasa likod lamang ng House of Representatives, Batasan Complex.
Para makadaan sa naturang kalsada, kailangan umanong magbayad ang mga motorista ng P1,000 bawat trip sa mga nagbabantay na security personnel ng Violago Homes Subdivision.
Araw-araw, daan-daang motorista ang nagbabayad ng toll fees na dumadaan sa naturang subdibisyon papunta sa Bgy. Bagong Silangan at Sitio Veterans.
Ayon kay Quezon City Rep. Dante Liban, ang naturang kalsada ay nagsisilbing access road para sa may 300,000 pamilyang naninirahan sa naturang dalawang barangay.
Aniya, ang paniningil ng toll fees ay labag sa Quezon City Ordinance 840, na ipinasa noong Nobyembre 25, 1999.
Subalit ang naturang matagal nang reklamo ay hindi pa rin inaaksyunan ng Mayors Office.
Pinakamalaking tinamaan ay ang mga tricycle driver na sinisingil ng P2-P5 sa bawat trip samantalang mula P500 hanggang P1,000 naman ang mga delivery trucks at trailers. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest