Anne, rumesbak sa retokada isyu!

Pumalag si Anne Curtis sa panglilibak ng ibang netizens na retokada siya kaya hindi sila magkamukha ng anak niyang si Dahlia.
Sinagot nga niya ito kahapon: “Can proudly say I’m not retokada at all and for me, for me lang naman, my daughter and I are both beautiful. I usually don’t give people like you the time of the day but wala lang. I don’t know who hurt you or why you’re so angry with me but nonetheless sending you some kindness maybe you some in your life. Big virtual hug I mean that, sincerely. Good night!” buong message ni Anne na kasalukuyang nasa Shanghai, China base sa kanyang post.
May mga favor at unfavorable comment sa ginawang pagsagot na ‘yun ni Anne.
Kasabay nito ang pagkuyog sa nag-comment na may close-up ni Anne sa katatapos lang na Preview Ball 2026—at nilagyan ito ng caption na “Retokada yarn? Exhibit A - anak,” na pahiwatig na sumailalim si Anne sa plastic surgery.
Pero ‘yun nga, supalpal agad ito sa mismong dyosa.
- Latest























