^

Pang Movies

Movie critic, nagpapayanig!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

NADAANAN namin sa Facebook ang post ng isang film critic na nagbigay ng mababang rating sa isang pelikula.

Pero wala pang isang oras pagkatapos namin itong makita, aba, tumaas ang ibinigay na rating niya, huh!

Siyempre, may naamoy kaming dahilan kung bakit nabago ang ratings niya. Eh basta may paya­nig sa kanya ang producer ng pelikula, asahan ang magandang review sa produkto nito!

Kaya naman suklam na suklam sa critic na ito ang isang movie director na para bang wala nang ginawang maayos na movie ito, huh!

Gary, may ibang gagawin sa pagbalik sa MM

NAGMISTULANG jamming session ang pagtatapos ng mediacon ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ng Back At The Museum last Friday sa isang resto sa Greenhills.

Masiglang-masigla si Gary sa harap ng media at dama ang excitement sa pagbabalik niya sa Music Museum na naging bahagi ng kanyang career! May 103 performances na siyang ginawa sa MM!

“Maraming bago ako gagawin dito,” ayon kay Gary nang bisitahin namin sa kanyang standby area.

Sampung gabi ang shows ni Gary sa lahat ng Huwebes at Sabado ng Oktubre – October 1, 3, 8, 10, 15,17, 22, 24, 29 at 31.

Special din ang 2026 run dahil isa ito sa highlights ng 4oth anniversary ng Manila Genesis Entertainment and Management, Inc. nakasama ni Gary sa kanyang journey throughout his career.

Kamakailan, nag-record si Gary ng bagong version ng kanyang classic na Babalik Ka Rin para sa remittance company na Sendwave.

Pinasok din niya ang bagong medium na Unshaken with Gary V, ang kanyang iHeartRadio Podcast at tampok ang chikahan niya with celebrities gaya nina Martin Nievera, Toni Gonzaga, Michael V., Coco Martin, Julia Montes at marami pang iba, pati na si former Chief Justice CJ Sereno.

Mula sa direksyon ni Paolo Valenciano ang concert, musical direction ni Mon Faustino at isa sa special guests si Frankie Pangilinan.

GARY VALENCIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with