^

Pang Movies

Sharon, magdedemanda

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, magdedemanda
Sharon Cuneta

Nakakatuwa at nakakatawa ang reaksyon ng netizens sa pagdawit kina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa ‘maleta scandal.”

Sabi ng isa, “Sa sobrang yaman ni MEGA STAR baka kayo pa ang bigyan nyan ng male-maletang yan.” “Hindi kailangan ni Mega ng maleta. Mas mayaman pa yan sa karamihan sa politiko.”

Comment pa ng isang netizen, “Nami­migay nga ng diamond yang si Mam Sharon eh.” “Why would Sen. Kiko need a suitcase when Sharon Cuneta could just hand him stacks of cash instead?” “Bil­yonarya si Sharon Cuneta, maraming investment” at ang mga nakakatawang comment na “Laban Madam, hampasin mo sila ng Birkin!!!” at “Sampalin mo ng mga diamonds mo ate Shawie nang matauhan.”

Karamihan ang payo kay Sharon ay magdemanda, kasuhan niya ang nagsangkot sa kanila ni Kiko. “Sue these people please,” at “Someone has to teach these people a lesson that they will never forget.”

Marami na ang naghihintay sa hakbang na gagawin ni Sharon na may karapatang mag-react at magalit dahil sa maling balita na inilabas.

Viva Stars Game, mabilis ang bentahan ng ticket

Nagsimula na noong June 15, ang selling ng ticket sa gaganaping Viva Stars Game Fest 2026 na naka-schedule sa Smart Araneta Coliseum sa Aug. 16. Sa rami ng Viva artists, hindi na kaila­ngang kumuha pa ang Viva ng guest players at kahit siguro four teams, kayang makabuo.

In fairness, walang nagrereklamo sa P5,000, P2,400, P1,400, P800 at P400 ticket prices at nag-uunahan pa ngang makabili ng tiket ang fans. Gusto nila ng mas mahal na tiket para mas malapit sa basketball court at mas malapit sa favorite nilang Viva artists and for sure, ang courtside, patron at box premium ang unang maso-sold-out.

Ang nabasa naming reklamo, bakit daw wala sa line-up ng players si Andres Muhlach? Hindi raw ba ito maglalaro? Sinagot ng isang fan ang tanong na ito, hindi raw naglalaro ng basketball si Andres dahil iba ang sports nito.

Napapansin namin na maraming nagtatampo kay Andres at kabilang ang ibang AshDres fans nila ni Ashtine Olviga, hindi raw inaalagaan ni Andres ang love team nilang dalawa. Dagdag na tampo pa ng fans ang kawalan nila ng project lately at pati nga Viva, inaaway na dahil mas paborito raw ang RabGel love team nina Rabin Angeles at Angela Muji.

Cacai, nawindang sa bill ng kuryente

“Grabe,” “OMG” ang karamihan sa reaksyon ng mga nakabasa sa post ni Cacai Velasquez sa Meralco bill nila this June.

Paano naman kasi, P94, 355. 21 ang babayaran nila at marami ang naka-relate kay Cacai.

“Ayoko na sana makisabay, pero mahima­tay naman ako dito sa Meralco super conscious na nga ako sa gamit ng kuryente. Bahay lang po kami hindi commercial building.”

Para hindi maakusahang gumagawa lang siya ng kuwento, pinost ni Cacai ang Meralco bill at ang linaw na P94,355.21 ang kanilang babayaran. Tsinek ng netizens ang bill at may mga napansin silang mali sa reading. Sa June 21, 2026 na ang due date at kailangang magreklamo o bayaran na lang ni Cacai ang electric bill.

May napa-comment tuloy kung ilang member ng 4PS ang sakop sa babayarang Meralco bill ni Cacai? May nagtanong pa kung kaninong maleta mapupunta ang sobrang bayad sa Me­ralco at ang nakakatawang tanong na baka pati bill ng mga kapitbahay nila ay na bill kina Cacai.

Nakakatakot tuloy makatanggap ng Me­ralco bill ngayon at kung puwede lang bantayan tuwing may Meralco rea­ding gagawin natin.

 

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with