^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi dapat isnabin ang pagdinig sa OVP budget

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi dapat isnabin ang pagdinig sa OVP budget

Inisnab ni Vice President Sara Duterte ang ikalawang­ hearing ng House of Representatives noong Martes kaugnay sa hinihinging P2.037 bilyong budget ng kan­yang sariling tanggapan para sa 2025. Sa pagdinig noong nakaraang linggo, nagkainitan ang Vice President at mga mambabatas na miyembro ng house ap­propriations committee. Kinukuwestiyon ng mga mambabatas ang malaking budget na hinihingi na hindi sinagot ng Vice President at sa halip ay sinabing pinupulitika siya.

Sa pagdinig noong Martes, nagkainitan naman ang mga mambabatas na kampi at hindi kay VP Sara. Kung ang budget daw para sa Office of the President ay “tra­dition” nang hindi binubusisi ganundin dapat sa Vice President. Pero marami ang nagpahayag na dapat mabusisi ang hinihinging budget para sa 2025.

Sabi ng mga mambabatas na kumukuwestiyon sa budget, dapat humarap ang Vice President at hindi dapat nagtatago na parang bata kapag nakukuwestiyon. Sabi pa ng ilang mambabatas, ang hindi pagdalo sa pagdinig ay malinaw na pag-iwas sa accountability. Dapat daw sagutin ng Vice President ang Kongreso at ang taumbayan. Isa pang mambabatas ang nagsabi na isang pag-insulto sa Kongreso ang hindi pagdalo ng Vice President na bumubusisi sa budget ng tanggapan nito.

Isang sulat naman ang ipinadala ni Sara sa Kongreso kaugnay sa hindi niya pagdalo. Nakasaad sa sulat na naka-address kay House Speaker Martin Romualdez na ang lahat ng tungkol sa kanilang badyet proposal para sa susunod na taon ay naipaliwanag na niya sa isinumite niyang dokumento sa Kongreso. Kasunod ay naglabas ng press release ang kanyang tanggapan na nagsasabing dalawang tao lamang ang humahawak ng budget—isa raw ay si Speaker Romualdez at ikalawa si Ako Bicol partlist Rep. Zaldy Co. Ang dalawa raw ang nangha-hijacked ng billion of pesos para ipagpagawa o ipagpa-repair daw ng mga classroom.

Sinabi kahapon ni Sara na may kaugnayan sa budget sa Department of Education (DepEd) ang dahilan ng kanyang pagre-resign sa nasabing tanggapan. Kahapon sinabi rin ni Sara na maaari naman daw makatayo ang Office of the Vice President kahit na walang budget.

Sa halip na magpalabas ng mga taped interview at mga press releases na may kaugnayan sa budget ng kan­yang tanggapan, dumalo siya sa pagdinig at sagutin ang katanungan ng mga mambabatas. Hindi kataka-taka na magtanong ang mga mambabatas kaugnay sa budget sapagkat noong 2022, nagkaroon ng kontrobersiya sa confidential fund ng OVP nang madiskubre na ginastos lamang sa loob ng 11 araw ang P125 milyong pondo.

Sagutin ang mga tanong at huwag umiwas o magmatigas sapagkat lalong nag-uumigting ang bansag na “bratinella”.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad