^

Police Metro

Sara, tanging VP at DepEd chief na may confidential funds

Malou Escudero, Joy Cantos - Pang-masa

Sa pagtestigo ng COA auditor

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng auditor ng Commission on Audit (COA) na tumestigo bilang saksi ng prosecuton sa ika-11 araw ng impeachment trial na tanging si Vice President Sara Duterte lamang ang nag-iisang bise presidente at Kalihim ng Department of Education (DepEd) na nakatanggap ng alokasyon para sa confidential funds.

Ayon kay Roderick Wamil, na nagsilbi sa Intelligence and Confidential Funds Audit Office (ICFAO) ng COA mula Setyembre 2014 hanggang Pebrero 2024 na tanging sa panahon lamang ng panunungkulan ni Duterte siya nagsagawa ng audit sa confidential funds na inilaan kapwa sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd).

Ang ICFAO ang yunit ng COA na inatasang magsagawa ng audit sa paggamit ng confidential at intelligence funds ng mga ahensya ng pamahalaan.

“Tanging si Vice President Sara Duterte lang po ang aking na-audit na may confidential funds,” ani Wamil sa pagtatanong ni private prosecutor Lorna Kapunan.

Sa kanyang panunungkulan sa ICFAO mula 2014 hanggang 2024, sinabi ni Wamil na walang naging alokasyon para sa confidential funds sina dating Vice President Jejomar Binay, na nagsilbi mula 2010 hanggang 2016, at dating Vice President Leni Robredo, na nagsilbi mula 2016 hanggang 2022.

Ayon kay Wamil, in-audit niya ang confidential funds ng DepEd na sumasaklaw sa cash advances na nagkakahalaga ng kabuuang P112.5 milyon mula una hanggang ikatlong quarter ng 2023, o P37.5 milyon bawat quarter.

Para naman sa OVP, sinabi ni Wamil na umabot sa P125 milyon bawat quarter ang confidential funds mula ikaapat na quarter ng 2022 hanggang ikatlong quarter ng 2023, na may kabuuang P500 milyon.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with