Bea, hindi na nag-glam team sa kasal

Si Bea Alonzo mismo ang nag-make-up sa sarili niya sa araw ng kasal nila ni Puregold President Vincent Co last July 13 sa Makati City Hall.
Sa kanyang Instagram Story ay ibinahagi ng aktres ang larawan niya habang inaayusan ang sarili.
“I don’t normally do my own makeup for special occasions, but for my wedding day, it just felt more personal,” sey ni Bea.
Wala rin daw silang wedding photographer kaya pinasalamatan niya ang kanyang shobe (little sister) na si Brina Secosana (isa sa may-ari ng Secosana bags na ine-endorse ng aktres) sa larawan.
“We didn’t have a wedding photographer, so my Shobe @brinasecosana stepped in and captured these memories. Pwede ka na talagang maging professional photographer!” sey ni Bea.
Ayon sa ulat ni Ogie Diaz, ilan nga lang daw ang witnesses sa civil wedding nina Bea at Vincent at kabilang na dito ang Secosana owners.
Pinasalamatan din ni Bea ang kanyang hairstylist na pumayag daw agad na ayusan siya ng hair in such a short notice.
“Special shoutout to my hairstylist, @ayumanag who said yes to a last-minute SOS without hesitation. Love you,” mensahe ng aktres.
Ibinahagi rin niya ang list ng menu sa kanilang wedding reception na ginanap sa Txoko - Asador Restaurant sa Makati.
Makikita rin sa mga larawang ipinost ni Bea gayundin sa mga kumalat na wedding photos na simpleng-simple lang ang naganap na civil wedding officiated by Makati Mayor Nancy Binay.
Bea was just wearing a simple white dress habang si Vincent naman ay naka-white rin na polo.
Maging ang wedding cake nila ay napaka-simple lang na viral na nga rin ngayon dahil marami ang nag-search kung saan ito nabili at kung magkano ang halaga.
Well ayon sa mga nag-research, ang wedding cake ay binili lang sa maliit na bakery called Wadough’s sa halagang P3,000.
Direk Adolf, nakaligtas sa aksidente
Itinuturing ng direktor na si Adolf Alix, Jr. na isang malaking milagro ang pagkakaligtas niya sa pedestrian accident na kinasangkutan noong Martes ng umaga sa Angeles City.
Sa kanyang Facebook page ay ikinuwento ng filmmaker ang naganap na aksidente na muntik na niyang ikasawi.
“Still processing everything, but today I am just overwhelmingly grateful to be alive. Yesterday morning, July 14, at around 5:45 AM, I was involved in a terrifying pedestrian accident along Abacan Diversion Road,” simula ni Direk.
Sa lakas daw ng impact ay humampas siya sa windshield ng sasakyan at humagis sa ere.
“The impact was so strong that I slammed into the windshield, was thrown into the air, and took a hard hit to my right side. Facing a near-death experience like that puts absolutely everything into perspective. It is a true miracle that I survived being hit,” aniya.
“God is our miracle worker and I am thanking Him for giving me a second chance at life,” pahayag pa ni Direk Adolf.
“My main message today is just pure gratitude. A huge thank you to everyone who assisted me at the scene and to those who helped handle the police reporting so I could focus on recovering and finish my work yesterday.
“Hug your loved ones a little tighter today,” ang mensahe ng pasasalamat ng direktor.
“Life is fragile, unpredictable, and so, so precious. Please pray for my swift recovery. Thank you for all the messages,” sey pa niya.
Sa ngayon ay kasalukuyan nang nagpapagaling ang direktor sa kanyang bahay.
- Latest
























