Ice, inaming hold muna ang pag-aanak

Isa sa nakausap namin sa White Party Manila si Ice Seguerra na kabilang din sa mga patron ng LGBTQIA+.
Sa ngayon ayon kay Ice ay nag-iba talaga ang plano nila ni Liza Diño na magkaanak. “Naka-freeze ‘yung itlog ko, pero parang naisantabi na ‘yung plano e. Kasi ang daming ganap. Of course, we have our daughter naman si Amara. So, right now, with our company, ang ganap talaga... parang 25 na ‘yung mga anak namin, sobrang ganun ‘yung feeling.
“I mean, I’m not closing my doors naman. Pero sa ngayon, it’s put on hold,” sabi ni Ice na kasalukuyang director ng Eat Bulaga.
Kaya biglang naiba ang topic: “Nakakatuwa! Sa simula siyempre, I’m used to directing concerts you know, pero siyempre iba ‘yung live e. alam mo.
“So parang kailangan talagang aware ka sa lahat na mga nangyayari.
“Pero, we have an amazing team. Parang ‘yun pa lang, kalahati ng trabaho ko tapos na.”
At creatives daw nila ang may idea na ipasok si Bimby Aquino sa programa.
At nang tanungin siya kung magiging regular ba si Bimby Aquino sa Bulaga... aniya niya: “Pwede naman. I can’t say yet, pero nag-e-enjoy siya. Nakakatuwa kasi it’s been a while since I saw Bimby. I think the last time was during the filming of (My) Little Bossings. That kid is very down to earth. Nakakatuwa siya.”
- Latest
























