^

Pang Movies

Janella, tahanan’ na ni Klea

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janella, tahanan’ na ni Klea
Janella Salvador at Klea Pineda

Ang sweet ng sagot ni Klea Pineda nang tanungin siya ni Boy Abunda kung sino si Janella Salvador sa buhay niya.

Nag-guest kasi ang dalawang aktres kasama ang iba pang co-stars nila sa pelikulang Open Endings na sina Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong at dito nga ay diretso silang tinanong ng King of Talk.

Sagot ni Klea, “Si Janella sa buhay ko, ‘yun nga, ‘yung sinabi ko kanina, tahanan, home.”

Dagdag pa niya, “Nakakalma niya ‘yung ano ko, eh, ‘yung lahat ng ingay sa isip ko. ‘Yun siya, ‘yun siya sa akin.”

Tinanong din ni Kuya Boy kung sino naman si Klea sa buhay nito at sagot naman ng aktres, “My favorite gay and, hopefully, someone who will stay.”

Nahilingan din ang dalawa na ilarawan ang kanilang relasyon at si Klea ang unang sumagot.

“Nandito kami para sa isa’t isa palagi. Nandito kami palagi para sa isa’t isa. Tapos, parang marami akong natututunan sobra kay Janella, Tito Boy,  na hindi ko ine-expect na, ‘Ah, ganito pala dapat,’” saad ni Klea.

Sagot naman ni Janella,  “I feel like we’re both at the point in our lives wherein we’ve matured and we really want to apply all the lessons that we’ve learned from our past to whatever we have now.”

Nabanggit din ni Klea sa naturang panayam na “Janella is love.”

Suportado naman nina Jasmine at Leanne ang relasyon nina Klea at Janella at happy raw sila para sa dalawa.

Sey ni Jasmine, “I’m ver happy, tito Boy. I think it’s such an important thing na makita rin ng mga madla that it’s normal to have same sex relationships.”

Carlo at Charlie, matamis ang 2nd wedding anniv

Ang tamis din ng anniversary greetings sa isa’t isa ng mag-asawang Carlo Aquino at Charlie Dizon sa pagdiriwang ng kanilang 2nd year of marriage.

Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi ng kanyang madamdaming anniversary message si Charlie para sa mister.

“Happy 2nd Anniversary, my love. Thank you for being my constant and for loving me through every season. Im grateful for every blessing and every challenge that made us stronger and brought us closer. Here’s to more adventures, more laughter, more love and many more years together. I love you always,” pagbati ng aktres.

Sinagot naman ito ni Carlo sa comment section ng “I love you asawa ko.”

Nag-post naman ang aktor sa kanyang IG ng video na naglalaman ng masasayang moments nila ng wifey kabilang na ang clips ng kanilang kasal.

Short but sweet caption ni Carlo, “Tagumpay journey wichu @charliedizon_.”

Dumagsa naman ang pagbati ng kapwa-celebrities sa mag-asawa tulad nina Agot Isidro, Yassi Pressman, Gary Valenciano, Bianca Gonzalez, Elisse Joson at marami pang iba.

 

JANELLA SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with