Dear Tita Witty,
May girlfriend po ako. Masaya naman po kami nung nagsimula ang aming relasyon. Habang lumilipas ang days and weeks, nagsimula na akong mainis sa kanya. Gusto niya, lagi ko siya ite-text, tatawagan, i-cha-chat at bibigyan ng mga regalo. Hindi naman ako mayaman. Feeling ko may mali sa mga nangyayari. Tita Witty, paano po ako magigising sa katotohanan?
Nagmamahal,
Hopelessly Devoted
Dear Hopelessly Devoted,
Bili ka ng isang bote ng realidad sa botika. Huwag mong iinumin, basta bumili ka lang.
Ganun talaga, may mga clingy na babae. Pero baka naman kasi nung hindi pa kayo, lagi mo siyang tine-text, tinatawagan at china-chat. And so, you have to understand that she expects the same things from you now that you are in a relationship. Hindi ka dapat tumigil manligaw, kumbaga. Baka naman hindi talaga “lagi” ang gusto niya — baka kagaya lang ng dati, at hindi mo napansin na nabago na pala. Like maybe you used to always text her good morning and good night, ask her, “kumain na ba u?” and “nasan na u?” over chat, or call her when she doesn’t answer in two minutes and six seconds because you were so worried she walked under a bus, got hit by a train, or fell in love which is kinda the same. And it felt so good you wanted to it again. ‘Yung tungkol naman sa gifts — does she want lavish gifts? Baka naman gusto lang niya ng mga little something that would make you show her you thought of her. Kagaya ng iPhone.
Just try to be more attentive. I’m pretty sure you want to make her happy. Kung simpleng good morning with a smiley lang naman, bakit hindi? Kung iPhone lang naman, bakit hindi mo ibato sa kanya? Cheka. Huwag, ang mahal kaya nun. Ngayon, kung hindi mo kaya o ayaw mo o naiinis ka pa rin talaga dahil pang-essay writing contest ang gusto niyang matanggap na messages from you, feeling ko rin may mali sa mga nangyayari. May kinalaman sa “It’s not you, it’s me.”
xoxo,
Tita Witty
* * *
Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawitty@gmail.com or to www.facebook.com/wittywillsavetheworld.