COVER: Long live the queens

MANILA, Philippines – Babyruth Villarama-Gutierrez, director of Sunday Beauty Queen, was five years old when she watched her first movie at the New Frontier Cinema located in Cubao. “Yun ang unang unang theater na napasukan ko sa buong buhay ko. Super 1, 2, 3 yung palabas, [starring] Tito, Vic, and Joey. Natakot pa ako! Sabi ko, ‘Bakit ang laki ng mga tao?!’ Kasi hindi ako sanay,” she recalls, a smile on her lips. Babyruth was with her aunts who brought pansit and chicharon inside the cinema, “parang picnic.” There weren’t a lot of theaters in Baliuag, Bulacan, their hometown (“Kung meron man, after three weeks pa ipapalabas, piling- pili pa.”), so going to the movies in Manila was such a treat. “Basta alam ko Christmas season nun eh.”

On December 29, 2016, Babyruth felt a sense of déjà vu inside the KIA Theatre, where the Metro Manila Film Festival 2016 awards night was held. And for a reason. Her husband Chuck Gutierrez, also her editor and producer, casually mentioned that where KIA Theatre now stands, New Frontier Cinema once stood. “Nung una hindi ko pa alam eh,” she says, nostalgic.

Thirty-two years after Babyruth first watched Super 1, 2, 3, she unwittingly returned to the same spot, this time, not as a spectator, but as a filmmaker who had no clue she was about to receive the Best Picture Award for her funny, heartbreaking, perspective-altering, four-years-in-the-making documentary Sunday Beauty Queen. It’s the story of Hong Kong-based Filipina domestic helpers who stage or participate in beauty pageants on Sundays — as an escape, a way to cope.

I wish I could tell you that it’s been a great, champagne-swilling time for Babyruth and team since their history-making victory. (Sunday Beauty Queen is the first documentary to win a MMFF Best Picture Award and it is the first documentary to ever win best editing in the history of world cinema, according to Chuck Gutierrez.) But no, things have been downright sh***y. The rise in public interest and clamor for Sunday Beauty Queen after it won Best Picture (plus Best Editing, the Gatipuno Antonio J. Villegas Cultural Award, and Children’s Choice), was inversely proportional to the number of theaters that continued to screen it. (As of press time, it’s now only available in Cinema 76, which can only seat a maximum of 60 people per screening.) This is a shame and an injustice because Sunday Beauty Queen is a wonderful telling of the stories of the voiceless and the powerless. The intent of the documentary is to show the beauty, the humanity, and the reality of Hong Kong-based domestic helpers in hopes of recalibrating something with the viewer. “I made a movie because there’s a need for people to start respecting each other. I grew up na kung katulong ka ganyan ka lang, you cannot sit on the sofa. Na-witness ko yun, yung mga ganun,” Babyruth explains. “I want to show everyone na despite the struggles, these people are fighting. So who are we to complain?”

As if on cue, creative director David Milan pops his head into the room and announces Leo, Mylyn, and Hazel are ready for their interview. For 50 minutes, the Sunday Beauty Queens speak about 24/7 back-breaking work and how servitude has made them lose their sense of self; where the government has failed them and what the officials can do about it. The cinemas may have stopped screening SBQ, but luckily, the cinema is just one avenue of telling a story. Meet the non-artista superstars of Babyruth Villarama-Gutierrez’s Sunday Beauty Queen.

Bakit kayo pumayag nung inimbita kayong gumawa ng documentary tungkol sa mga domestic helpers sa HK?

Leo:  Kasi ang Sunday Beauty Queen eye-opener sa lahat ng tao na sobrang baba ang tingin sa mga domestic helper. Yung ibang tao, hindi nila alam na  kami ay mga college graduates. Akala nila wala kang pinag-aralan. So minsan pag nakihalubilo kami sa mga hindi DH, ang liit ng tingin namin sa sarili namin. Kasi hindi na namin iniisip na college graduate kami eh. Nakalimutan mo na kung anong pinanggalingan mo, kung anong life mo back home. Ang iniisip mo, ito lang ako. Yaya. Ang identity mo, wala na. Siguro nanalo kaming Best Picture kasi naipamulat namin sa lahat ng tao na kaming mga OFW na domestic helper, marami rin kaming pwedeng gawin. Meron din kaming talento. Magaganda rin sila. Hindi lang kami nabigyan ng boses.

Kayong tatlo, lahat nakapagtapos ng college, tama?

Mylyn: AB English sa St. Peter’s College sa Davao.

Hazel: Computer Science sa Mariano Marcos State University.

Leo: BS Secondary Education sa West Visayas State University.

So bakit pinili niyong manilbihan bilang kasambahay doon?

Leo: Nung nag-graduate ako, nakapasok ako bilang credit inspector sa Rural bank. Ang liit talaga ng sweldo. P4,000 a month. Siyempre may mga kapatid akong tinutulungan makapag-aral. Panganay ako eh. Kailangan ko talaga ng malaking sahod. So nung may nagsabi sa akin na mag Singapore kami, nagpunta ako.

Hazel: Kasi nag-work din ako dito as a crew sa Jollibee at sa Red Ribbon. Wala pang sahod, nasasanla ko na yung sahod ko. P6,000 lang isang buwan. Tatlo ang anak ko. Hindi talaga kaya. Sa Hong Kong, P18,000 isang buwan ang sweldo ko. Hinahati ko: Nagbabayad ako sa inutang namin para makapag-abroad ako, the rest yun ang pinapadala ko sa mga anak ko.

Mylyn: Na-intriga ako sa buhay abroad. Yung mga kakilala ko, pag nasa abroad na, ang gaganda ng outfit, ang saya-saya nila. Yung bahay namin sira-sira tapos ang papa ko ang prinsipyo sa buhay, kung anong kaya yun lang. Ang sa akin naman, ayoko ng buhay na ganyan. Kaya nga tiniis ko yung maging working student para umangat tayo. Tapos pagdating ko abroad, grabe. Yung trabaho 24/7.

Paanong 24/7 yung trabaho?

Mylyn: Walang pahinga. Sa atin kasi pag gusto natin ng pahinga, break. Doon, pasalamat ka kung makakain ka. Yung unang amo ko, may rooftop, may swimming pool, may mga isda pa. Ang laki ng aquarium. Linggo linggo lilinisin ko yun. Minsan naiinom ko pa yung tubig ng aquarium. Wala kasi kaming suction pump. Ako ang hihigop para lalabas yung tubig. Gusto kong gawin lahat kasi perfectionist ang amo ko. Tapos tinerminate ako after four months. Overqualified daw ako.

Leo: Mas matindi ang experience ko sa Singapore. Natutulog ako 3 a.m. May timer yung amo kong babae. Pag hindi pa 3 a.m. hindi ako pwede matulog. Every 30 minutes gigising ako para i-check ko yung diaper ng baby. Pag hindi ako magising, tatadyakan niya ako. Pag 5 a.m. na, dapat nandun na ako sa banyo nag ha-handwash. Hindi ako pwedeng gumamit ng washing machine kasi masisira. Pagkatapos ko mag-handwash, dapat maligo na daw ako. Hindi ako maliligo kasi wala akong tulog eh! Mamamatay ako. Ino-on ko lang yung shower, naka upo ako sa kubeta tapos iidlip ako. Pagkatapos niyan, mag prepare na ako ng breakfast and everything. Bawal gumamit ng vacuum cleaner kasi masisira daw. Gapangin mo ang sahig. Alipin talaga. Dapat bago sila magising, lahat ng trabaho sa bahay tapos ko na. Kasi mag aalaga na ako ng dalawang anak niya. Hindi ka pwedeng maupo, hindi ka pwedeng mag rest. 39th floor kami, palalabasin niya ako sa parapet para linisin yung bintana. Pag ayaw mo lumabas, may hawak siyang stick, hahampasin ka niya. Ay! Demonyo talaga! Ang itinagal ko dun six months. Nag run away ako! Tinalon ko yung pader, ang dami kong gasgas. Buti may taxi. “Hop in,” sabi nung driver. “Are you running away?” Umiyak ako sa driver. Sabi ko, “Please, you bring me to the Philippine Embassy.” “It’s okay,” sabi niya. “You’re not the first one.” Luckily, yung consul general dun is from Iloilo ang asawa niya. Tinawagan niya yung asawa niya, sabi niya may kababayan ka dito. Yun ang umpisa na naging maganda ang buhay ko. Si consul ang naghanap ng next employer ko.

Hazel: Sa una kong employer, yung baby six months old pa lang, na-operahan na sa tiyan. Tapos yung ulo niya, tabingi kasi pag pinapatulog siya, one side lang. Pinapa therapy namin ng mama niya, kasama ako lagi lagi. Minsan natutulog akong patayo para ma train yung ulo niya. Mahirap rin pag bata eh. Tsaka pag maysakit yung alaga mo, maiisip mo na pag maysakit yung anak mo, hindi mo man lang maalagaan.

Bakit kailangan manood ng Sunday Beauty Queen?

Mylyn: Kasi kami [OFWs], masaya na kami na makapagpadala kami kung anong gusto nila [families back home]. Ang naiisip lang nila, “Ay may pera na naman tayo, okay lang si ate.” Para makita nilang nagpapakahirap kami doon at ang hirap namin, mabigyan naman ng halaga. Sana makita ng mga employer na may mga katulong na dapat bigyan din nila ng halaga yung helpers nila. Katulad nga ng sabi ni sir Jack (her late boss), anong mangyayari sa buong mundo kung walang helpers, di ba? Sa mga katulong, inspiring din ito kasi ipapaalala sa’yo na hindi ka hanggang diyan lang. May maabot ka rin balang araw.

Hazel: Gusto kong manood yung mga anak ng mga OFW para makita nila yung dedikasyon ng isang ina para sa kanilang anak, kung gaano kahirap.

Napanood ba ng mga anak mo?

Hazel: Oo, at nagbago sila. Yung anak ko dati, minsan lang siya mag message. Ngayon chine-check niya na ako lagi. Kagaya ngayon, “Ma, tapos na photo shoot niyo?” Meron na siyang concern.

Anong mensahe niyo sa Philippine government?

Leo: Hindi namin kailangan yung congrats. Ang gusto namin, gawan niyo naman ng paraan. Protect us. Nag su-suffer kami nang sobra pero kami naman ang nagpapadala ng maraming pera sa Pilipinas. So dapat naman bigyan nila kami ng pansin, lalo yung mga DH sa Malaysia, Singapore, at Middle East. Kami sa HK, ok lang kami, we are protected by the HK government and mga consulate people doon are doing their best na matulungan kami.

Hazel: Sana yung mga nanay na nag a-abroad, gusto ko yung mga anak nila mabigyan ng scholarship.

Mylyn: Sana mabigyang pansin yung mga agency na namemera sa mga aplikante papunta sa ibang bansa. Kailangan suportahan nila sa pag-alis at pag-uwi yung mga OFW. Pag-alis mo hihingan ka ng maraming bayad. Pagdating mo dun, bahala ka na sa buhay mo.

Ano ang totoong beauty queen?

Leo: Dapat may puso ka sa kapwa mo. Pinaka importante yun. At siyempre dapat may brain. (laughs)

Hazel: Yung kaya mong tumulong kung alam mong may nangangailangan.

Mylyn: Being a beauty queen you need to be strong. Nakangiti ka pa rin. Keri mo lahat i-handle, matatag ka emotionally, matatag ka sa isip, sa prinsipyo, sa mga kilos mo. Smart. Kahit hindi ka maganda, pag smart ka, beauty queen!

Photos by SHAIRA LUNA

Produced by DAVID MILAN

Makeup by ANTHEA BUENO

and JANELL CAPUCHINO

Hair by MYCKE ARCANO

Show comments