^

Bansa

Grupo kay VP Sara Duterte: Unahin mo trabaho sa DepEd kaysa counter-insurgency

James Relativo - Philstar.com
Grupo kay VP Sara Duterte: Unahin mo trabaho sa DepEd kaysa counter-insurgency
In this March 11, 2020 photo, Davao City Mayor Sara Duterte dons a formal military uniform for her confirmation as a reserve colonel in the Philippine Army.
The STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Hinihimok ngayon ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) si Bise Presidente Sara Duterte-Carpio — na siya ring kalihim ng Department of Education — na unahin ang trabaho niya sa pagsasa-ayos ng sistema ng edukasyon kaysa gawing prayoridad ang pagsugpo sa rebelyon ng CPP-NPA-NDFP.

Miyerkules kasi nang tanggapin ni Inday Sara ang pagkakatalaga bilang co-vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), isang panibagong trabaho maliban sa kanyang posisyon bilang DepEd secretary na tutugon sa problema ng mga estudyante't guro.

"Schools have reduced face to face classes to 2x a week. School hours have been shortened. Classes are now just 40min each. Hirap pareho ang students and teachers. Hirap din sa asynchronous at online," wika ni BAYAN secretary general Renato Reyes Jr., Miyerkules ng gabi.

"Mas ito, kesa counter-insurgency, ang dapat pagtuunan ng DepEd secretary."

Kamakailan lang nang lumabas sa survey ng Alliance of Concerned Teachers na 67% ng public school teachers (7,800 sa 11,706) ang nakaranas ng "intolerable heat" sa kani-kanilang classroom sa gitna ng tag-init. Napansin daw tuloy ng 86.6% ng mga guro na maraming estudyante ngayon ang hirap maka-pokus.

Kamakailan lang nang umabot sa 104 estudyante ang nahimatay sa init sa Laguna, habang 10 estudyante naman ang nag-collapse sa klase sa San Jose, Occidental Mindoro dahil din sa init. 

Una nang pinayagan ng DepEd ang mga pampubliko at pribadong paaaralan na magsuspindi o kansela ng in-person classes bunsod ng init ng panahon ngayong hot dry season, at sa halip magkasa na lang ng modular distance learning.

"Kawawa yung mga bata, may nagdudugo ang ilong sa classroom. Madali din magkahawa-hawa ng sakit dahil sa poor ventilation," dagdag pa ni Reyes sa pahayag.

"Hirap na hirap din ang teachers sa online, 'di nila masustain ang turo. Kailangan talaga ng malaking tulong ng mga eskwela ngayon."

Red-tagging ni VP Sara

Dati nang napupuna si Inday Sara, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagkastigo sa mga ligal na aktibistang grupo sa sektor ng edukasyon, tulad ng Alliance of Concerned Teachers.

Nagtuloy-tuloy ang red-tagging ni VP Sara noong nananawagan ang progresibong grupo ng mga guro na mag-hire ang gobyerno ng karagdagang 30,000 teachers sa mga pampublikong paaralan, maliban pa sa P100 bilyong budget taun-taon para sa classrooms.

Kilala ang NTF-ELCAC sa red-tagging, o pag-uugnay sa sari-saring progresibo, kritiko ng gobyerno, personalidad at kahit mga artista sa armadong rebolusyon laban sa estado.

Una nang sinabi ng Commission on Human Rights na paglabag sa constitutional guarantee ng presumption of inosente ang red-tagging at maaaring magdala sa kanila ng peligro.

'Para labanan rebelyon sa eskwelahan'

Sa isang talumpati kahapon sa meeting ng NTF-ELCAC, sinabi ni Inday Sara na layon niyang gamitin ang edukasyon upang "malabanan ang kasinungalingan" ng mga rebelde na siyang nakapasok na raw sa mga institusyon ng pag-aaral.

"Education, therefore, is one of the greatest weapons we can use in suppressing the lies and deceptions of these terrorists and their allied organizations," ayon sa bise.

"However, the enemies are also using education as a machine to propagate their violent ideology and systematically recruit Filipino students. We cannot let them continue preying on the innocence and idealistic nature of the Filipino youth."

Aniya, magiging mahalaga ang papel na gagampanan ng NTF-ELCAC para maprotektahan ang kabataan.

Patuloy din niyang tinawag na "terorismo" ang ikinakasang paglaban ng CPP-NPA-NDFP sa security forces sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan.

ACTIVISM

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

DEPARTMENT OF EDUCATION

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with