Manny Pacquiao - Boxer, Senator
What factors affect our performance and what are the steps that should be taken to address these issues? Yung suporta. Kulang sa suporta. At yung organization. Kulang. Parang hindi seryoso. Yun ang problema. Yung funding, isa pa yan na dahilan. Then yung facilities. Kulang tayo. Pati na sa teamwork ng mga nagpapatakbo. Parang kanya-kanya eh. Kanya-kanyang bossing. Kailangan yung effort at teamwork 100 percent.
What are the strengths of the Filipino athlete? What fuels them? Pagdating sa talent, magaling ang Filipino. Pagdating sa sports, magaling talaga tayo. Nandun ang talent eh. Ang Filipino athlete, gusto talaga nila mag-excel. Kahit saan sports, hindi lang sa boxing. Walang problema sa talent. Meron din naman tayong na-produce na ibang world champions. Kailangan lang talaga ng full support.
Sa Olympics, hindi tayo manalo ng gold medal. Nakakahiya na yan. Talagang nakakahiya na din.
Kung mabibigay lang natin lahat ng kailangan ng athletes natin, kaya natin manalo. Dadami ang Manny Pacquiao sa bansa natin. Sobra-sobra pa.
Efren ‘BATA’ Reyes - Pool Legend
Interview by Dante Navarro
What factors affect our performance? What are the steps that should be taken to address these issues? Mahirap kasi pagdating sa sports, mas malalakas ang ibang bansa at mas malalaki. Pero may pag-asa tayo. Yung magagaling natin, minsan hindi napagbibigyan maglaro, ang nakakalaro medyo mababa pa. Kulang ang players natin sa malalaking laro, hindi sila nakakasama minsan. Yung magagaling natin minsan kulang sa backer (sponsor).
What are our strengths and how do we further strengthen these? Kung talagang pagpupursigihan, may panalo tayo. Kailangan magpursigi, i-practice yung sport at laruin nang maiigi. Kailangang isipin lagi yung panalo dahil gold naman talaga hanap natin, para sa karangalan ng bansa.
Despite the limitations, what fuels Filipino athletes to strive and to finally land a spot on the podium? Kahit medyo agrabyado sa height at experience, lahat lumalaban talaga, kahit iyung mga hindi kagalingan, gusto nilang maglaro. Ang Pinoy kahit kanino handang lumaban. Kamukha sa bilyar, kahit sinong dumating dito na gustong lumaro sa atin, nilalaro natin. Ganyan din sa ibang sport, gusto nila ipakita na kaya nila.