Oktubre 25, 2026
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng kasamahan o boss. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kailangan ang disiplina dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Pag-aralan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makakapagpainit ng ulo. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magiging maswerte sa anumang uri ng negosyo kung sisimulan. Malakas at malaki ang kikitain kung freelancer. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Ang pagkakaisa sa tahanan at sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – May gantimpalang naghihintay sa pagbibigay ng tulong. Ang serbisyong sibiko ay pangunahin sa isipan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 28, 38 at dollar green.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Ang gawain na hindi napansin noon ay may daan na matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 12, 27 at beige.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad. Harapin ng buong tatag at pananagutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37 at aquamarine.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil magiging mabangis ang iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 33, 40 at scarlet.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Masakit man sa kalooban, mapaglalabanan ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.
- Latest


















