Oktubre 23, 2026
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung inaakalang tama ka, ilantad ang gusto dahil hindi mabibigo. Kung may duda, huwag ituloy dahil mabibigo ka. Magiging malapit ka sa mga mandaraya kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 28, 34 at violet.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang problema ay la-laki kung hindi mahahanapan ng solusyon. Iwasan ang biglaang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 30, 37 at olive green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung gustong manatili ang mataas na antas ng respeto at pagkatao, ipakita ang paggalang at respeto sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 44 at orange.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Hindi maiiwasan na magkaroon ng problema pero madaling maresulba kung hind magiging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 16, 25 at sky blue.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Hindi maaapektuhan ang plano na magdudulot ng magandang resulta kung iiwasan na mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 23, 38, 44 at neon green.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung may lalakarin o follow-up, sa paglipas ng tanghali lakarin para magtagumpay. Mag-ingat lagi. Lucky numbers at color for the day ang 9, 21, 35, 43 at silver.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag mangutang dahil mahihirapan na magbayad. Sundin ang kutob dahil ma-lakas ang taglay ng ESP. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 27, 36 at beige.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Buksan ang linya ng komunikasyon sa nakaligtaang kaibigan dahil may mapapala ka. Masigla at masiyahin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 36, 41 at blue.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Huwag kimkimin ang gustong sabihin dahil ito ang magbibigay suliranin. Maging tapat sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 17, 32 at brown.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – May mang-aasar na dapat hindi pansinin. Maikli ang pasensiya at madaling magalit na dapat ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 35, 44 at white.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Magiging masayahin ka ngayon. Maganda ang magiging epekto ng pakikipagkasundo sa nakagalit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 26, 29 at royal blue.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magiging abala sa pag-aayos ng tahanan na siyang magbibigay sa’yo ng kakaibang sigla. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 26, 34 at milk white.
- Latest





















