Agosto 23, 2026
VIRGO (Aug.23 - Sept.23) - Ang akalang kay hirap gawin, kapag nasimulan, mapagtatantong hindi naman pala ganon kahirap. Huwag sayangin ang oras, simulan ang trabaho at magiging masaya ang bawat saglit na gugugulin dito. Lucky numbers at color of the day ang 8,16, 23, 37 at orange.
LIBRA (Sept.24 - Oct.23) - Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Lucky numbers at color of the day ang 8, 12, 30, 42 at chocolate brown.
SCORPIO (Oct.24 - Nov.22) - Pinakamabisang paraan para mapaglabanan ang takot, magkaroon ng positibong isipan. Gawin ito. Lucky numbers at color of the day ang 7, 19, 25, 34 at lime.
SAGITTARIUS (Nov.23 - Dec.21) - Magandang balita ang matatanggap, na tiyak magpapasaya sa buong maghapon mo. Lucky numbers at color of the day ang 4, 13, 25, 31 at burgundy.
CAPRICORN (Dec.22 - Jan.19) - Manatiling mahinahon. Ang sobrang pagmamadali ay lalong magdulot ng hindi maganda. Lucky numbers at color of the day ang 4, 10, 26, 30 at strawberry red.
AQUARIUS (Jan.20 - Feb.18) - Pairalin ang utak at hindi ang emosyon. Lalo na pagdating sa usaping pag-ibig. Maging wais. Lucky numbers at color of the day ang 2, 20, 34, 41 at golden brown.
PISCES (Feb.19 - Mar.20) - Mapagtatanto mo na hindi ka dapat natakot sa isang bagay na hindi naman da-pat katakutan. Lucky numbers at color of the day ang 6, 18, 24, 39 at silver.
ARIES (Mar.21 - Apr.19) - May kalituhan ka kaya dapat isipin ng mabuti kung ano ang nais gawin. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color of the day ang 6, 15, 34, 41 at neon green.
TAURUS (Apr.20 - May 20) - Himala dahil marunong ka makisama at makibagay. Panatilihin ang gani-tong ugali. Lucky numbers at color of the day ang 8, 23, 35, 40 at white.
GEMINI (May 21 - Jun.21) - Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya sa iyong araw. Bagay kayo.Lucky numbers at color of the day ang 10, 23, 34, 40 at jade green.
CANCER (Jun.22 - Jul.22) - Walang sinuman ang maaaring uminsulto sa iyo. Minsan, ibaba ang pride. Lucky numbers at color of the day ang 12, 24, 36, 42 at violet.
LEO (Jul.23 - Aug.22) - Magandang balita dahil anuman ang gawin, tiyak maganda ang magiging kalalabasan. Lucky numbers at color of the day ang 13, 16, 39, 40 at yellow green.
- Latest




















