Agosto 19, 2026
LEO (Jul.23 - Aug.22) - Magkaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat desisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung mag-a-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 17, 26, 30, 42 at electric blue.
VIRGO (Aug.23 - Sept.23) - May pagkakataong mabalikan sa isip ang mga nakalipas na nagsisilbing aral. Lucky numbers at color of the day ang 15, 30, 40, 41 at neon green.
LIBRA (Sept.24 - Oct.23) - Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, pero iwasan ang labis na pag-gastos. Para ‘di magsisi. Lucky numbers at color of the day ang 22, 39, 40, 42 at aqua blue.
SCORPIO (Oct.24 - Nov.22) - Taglayin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging lapitin ng mga taong pikon at mainitin ang ulo. Lucky numbers at color of the day ang 9, 14, 32, 33 at pink.
SAGITTARIUS (Nov.23 - Dec.21) - Maganda ang pakiramdam para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakapagpasaya sa’yo. Lucky numbers at color of the day ang 20, 25, 33, 34 at green.
CAPRICORN (Dec.22 - Jan.19) - Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa para hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color of the day ang 6, 19, 25, 37 at sky blue.
AQUARIUS (Jan.20 - Feb.18) - Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak. Mapagtitibay ang relasyon sa ta-hanan at kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 13, 22, 35, 39 at brown.
PISCES (Feb.19 - Mar.20) - Ang anumang payo kung gustong isa-alangalang ay pag-aralan muna ng mabuti. Maglibang ka rin. Lucky numbers at color of the day ang 2, 17, 23, 40 at orange.
ARIES (Mar.21 - Apr.19) - Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Isang kaibigan ang hihingi ng payo o hihiram ng pera. Lucky numbers at color of the day ang 11, 22, 33, 40 at jade green.
TAURUS (Apr.20 - May 20) - Ang munting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin sa gawain. isang lihim ang matuklasan. Lucky numbers at color of the day ang 11, 29, 39, 41 at brown.
GEMINI (May 21 - Jun.21) - Taglay ang kasiglahan pero madaling mag-init ang ulo. Hinahon ang pairalin. Lucky numbers at color of the day ang 18, 27, 36, 40 at bold yellow.
CANCER (Jun.22 - Jul.22) – Taglay ang pambihirang talas ng pag-iisip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Lucky numbers at color of the day ang 8, 24, 34, 38 at jade green.
- Latest





















