Agosto 9, 2026
LEO (Jul.23 - Aug.22) - Pag-ipunan ang mga bagay na gustong bilhin. Hangga’t maaari ay iwasan ang paggamit ng credit card dahil magiging alipin ka nito at mahihirapan ka sa pagbabayad. Anuman ang nais gawin, tiyakin na nakahanda bago simulan. Lucky numbers at color of the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.
VIRGO (Aug.23 - Sept.23) - Mapapansin mo na lumalandas ang pagtatampo ng iyong minamahal. Bigyan ng prayoridad ang iyong lovelife. Lucky numbers at color of the day ang 2, 9, 14, 30 at red.
LIBRA (Sept.24 - Oct.23) - Kung sa nagdaan ay tutol ang mga kasamahan mo sa iyong mga ideya, ngayon naman suportado ka nila. Lucky numbers at color of the day ang 3, 7, 32, 37 at indigo.
SCORPIO (Oct.24 - Nov.22) - Kung pagkadismaya at lungkot ang nadarama, ngayon naman kaligayahan ang mangingibabaw. Lucky numbers at color of the day ang 5, 10, 25, 36 at dollar green.
SAGITTARIUS (Nov.23 - Dec.21) - Kung may asenso sa ibang mapapasukan kaysa sa trabaho mo, huwag magdalawang isip. Push mo ‘yan! Lucky numbers at color of the day ang 2, 3, 29, 37 at brown.
CAPRICORN (Dec.22 - Jan.19) - Pahalagahan ang dignidad kaysa sa salapi. May mag-aalok ng malaking halaga. Panindigan ang tama. Lucky numbers at color of the day ang 5, 17, 25, 36 at dollar green.
AQUARIUS (Jan.20 - Feb.18) - Kumilos at ipamalas ang kakayahan at abilidad kaysa makipagtalo sa mga hindi sumasangayon. Lucky numbers at color of the day ang 3, 12, 26, 39 at carnilian.
PISCES (Feb.19 - Mar.20) - May bulilyaso kang magagawa. Sa halip na mahiya, Magpasalamat dahil pagtutuwid ito sa pagkakamali. Lucky numbers at color of the day ang 4, 15, 25, 37 at jade green.
ARIES (Mar.21 - Apr.19) - Bago ang lahat dapat unahin ang pag-aayos ng mga bagay na hindi ninyo napagkasunduan ng iyong ka-partner. Lucky numbers at color of the day ay 3, 7, 36, 41 at fuchsia.
TAURUS (Apr.20 - May 20) - Huwag balewalain ang kaunting problema. Pag-ukulan ng panahon dahil lalaki kung pababayaan. Lucky numbers at color of the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.
GEMINI (May 21 - Jun.21) - Magiging magaan ang dating ng mga biyaya at oportunidad sa buong araw. Lucky numbers at color of the day ang 6, 10, 15, 32 at eme-ald green.
CANCER (Jun.22 - Jul.22) - Magiging mabilis ang mga pangyayari sa palgid, kaya maging alerto at handa kung ano ang dapat iwasan. Lucky numbers at color of the day ang 9, 12, 30, 37 at green.
- Latest

















