Hunyo 21, 2026
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Hindi umaayon ang mga bagay-bagay na nais mangyari. Hindi makapag-iisip ng maayos at masyadong nababagabag ng kung ano-anong palaisipan. Huwag mabahala dahil magiging maayos din ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 25, 37 at brown.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Wala kang dapat ipag-alala kung may bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 28, 44 at black.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Yayain ang kapatid na mamasyal. Mapagtatantong ang dami nyo nang hindi napagkukwentuhan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 35, 42 at silver.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ipaunawa na hindi mo layunin na makasakit, kundi itama ang pagkakamali nila. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 40 at mint green.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Hindi maiiwasang maiyak sa mga mangyayaring. Kulang na nga lang ay mawalan ka ng tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 23, 39 at red.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Masaya ang araw dahil nakakatiyak na mahal ka pa rin niya sa kabila ng mga pagkukulang mo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 27, 44 at tangerine.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Pakiramdam mo ay walang nakakaintindi sa nais mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 31, 40 at emerald green.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ihanda ang sarili sa pakikinig sa problema ng kapwa. Tiyakin na hindi ka madadala sa problema niya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 17, 32, 45 at beige.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Asikasuhin ang higit na mga importanteng bagay. Huwag hayaang manaig ang depresyon.Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 22, 37 at maroon.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Piliting maging mapagpasensya kahit pikon na pikon na. Huwag maging magagalitin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at pink.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Tingnan kung ano ang magagawa sa problema ng kaibigan. Kung may maitutulong man, huwag ipagkait. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 15, 34 at white.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Umuwi na lang ng bahay kung kailangan ng pahinga ng iyong katawan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 23, 39 at peach.
- Latest





















