Hunyo 17, 2026
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Malaking pagkakataon ang nasa iyo para pag-aralan ng mabuti ang negosyong inaalok. Huwag basta pumasok sa anumang bagay na hindi tiyak ang kalalabasan. Kumunsulta sa dalubhasa kung may pagdududa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 30, 41 at off-white.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging magaan ang tulong kung bukal sa puso ang pagbibigay. Tiyakin lang na sa tamang tao ito nakalaan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 30, 37 at antique gold.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ang dinaranas na katamlayan ay maaa-ring nagmula sa kapaguran ng mga nakaraang araw. Magpahinga. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 20, 33 at oak brown.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Masamang balita dahil may hindi inaasahang pagkakagastusan. Mailalabas ang naitabi. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 39, 45 at baby pink.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Hindi magiging komportable sa biro ng ilang taong makakahuntahan, kaya hangga’t maaari umiwas. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 20, 30 at orange.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang pagkakataon ng pangangailangan ay nasa iyo ngayon. Hindi maiiwasan ang makalapit sa kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 20, 36 at avocado green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Habang may buhay, may pag-asa, ika nga. Malaki ang chances na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 32, 43 at turquoise.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang kahihinatnan ng kapusukan ay kapahamakan na dapat supilin dahil ito ang magiging damdamin mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 26, 34 at opal.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Walang perpekto kaya panahon ngayon na pag-aralan ang sarili kung ano ang mga pagkukulang na nagawa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 20, 31 at beige.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Huwag hayaang maging malaki ang hidwaan ninyong magkaibigan. Ayu-sin agad. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 10, 25 at mocca.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Iwasan ang pakipagsapalaran ang perang para sa negosyo o nakalaan sa pang-gastos. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 36, 42 at chocolate brown.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – May mga pangyayari na kailangang sundin ang iyong damdamin. Magiging mainitin ang ulo, pigilan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 40 at cream.
- Latest
















