Hunyo 12, 2026
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magiging makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo. Iwasan ang magalit. Kaunting panahon na lang para matamo ang hina-hangad kung ipagpa-tuloy ang magandang gawi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 36, 41 at fuchsia.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magbubunga ng tagumpay ang pagsisikap. Magsisimula ang pagpitas ng matamis na bunga. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at ruby red.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Sa tulong nang taimtim na dalangin mapapawi ang mga suliranin at mapapanatag ang kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 15, 32 at avocado green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May May payo na makakabuti at may payo na makamandag. Suriing mabuti ang payo na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Pakiramdaman ang kutob nang hindi magkamali. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng maayos. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 26, 39 at carnilian.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Iwasan ang mangako at hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin nang pagkatao na dapat hindi sirain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 36 at agate green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung hindi mo paglalabanan ang iyong katamaran na siyang iiral ngayon, a-absent ka sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37 at jade green.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan. Makabuluhang bagay ang pagtuunan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 25, 37 at jade green.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Maaaring makatanggap ng magandang balita mula sa makabagong teknolohiya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at golden brown.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa gawa at pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 25, 36 at dollar green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Iwasan ang maging malikot ang isipan at baka pasukan ng hindi maganda. Self control ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Taglayin ang kahinahunan ng pag-isip dahil mapapasabak ka sa mental o pisikal na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at green.
- Latest


















