^

Police Metro

Pagkumpuni sa nawasak na tulay at kalsada sa M7.8 lindol, pinabibilisan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinabibilisan ni Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang agarang pagkukumpuni sa mga nasirang national roads at tulay sa Sarangani at General Santos City na niyanig ng 7.8 magnitude na lindol, kamakalawa.

Isinagawa ni Dizon ang kautusan nang personal na inspeksiyunin ang mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Ayon kay Dizon, mahalagang makumpuni ka­agad ang mga nasirang tulay at kalsada para matiyak na hindi maaantala ang paghahatid ng tulong, relief, medical, at emergency response operations sa mga nasalantang lugar.

Kinumpirma naman ni Dizon na nananatiling uninterrupted ang daloy ng trapiko sa pamamagitan­ ng newly constructed na Buayan Twin Bridge, kaya’t nasisiguro ang connectivity sa pagitan ng General Santos City at Sarangani Pro­vince, gayundin ang pagpapasilidad ng galaw ng mga goods at essential services.

Inatasan din niya ang Sarangani, South Cotabato 1st, at South Cotabato 2nd District Engineering­ Offices­ na madaliin ang repair works sa mga apek­tadong imprastraktura.

DPWH

LINDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with