^

Kutob

Hunyo 9, 2026

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – May desisyon o hakbang na kailangang pag-isipan ng mabuti sa araw na ito. Huwag magpadalos-dalos sa iyong pagpapasiya. Humingi ng payo o suhestiyon sa mga kaanak para walang pagsisihan balang araw. Lucky numbers at color for the day ang 8, 15, 29, 40 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Mag kakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isang kaibigan. Maaaring babae ang sanhi ng pag-aaway ninyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 18, 37 at indigo.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang tunay na kaibigan ay sa kagipitan nakikilala. Naaayon para iwasan ang kaibigan sa turing lamang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Maayos ang takbo ng mga gawain. May suwerte ang negosyo. Walang magiging problema sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 22, 26 at lilac.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Magiging masuwerte ang araw na ito. Magsisimula ang pagbabago sa buhay mo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 37, 40 at fuchsia.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maipapakita ang kakayahan kung nanaisin. Tataglayin ang kahinahunan ng pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 27 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maging mahinahon. Huwag hayaang uminit ang ulo. Mabubuksan ang magandang pagkakataon para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 19, 36 at peach.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Angkop ang pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang mga gintong-aral sa buhay ay magagamit ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 16, 17, 35 at beige.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Malulutas ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 25, 17 at magenta.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magiging balisa sa buong maghapon. Ito ay dahil sa isang mabigat na problema. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 35, 44 at red orange.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Magiging magulo ang araw na ito. May magaganap na pagtatalo sa mga kasamahan sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 24, 39, 41 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Maipagwawalang bahala ang araw na ito. May ilang mararamdamang hindi kanais-nais. Mag-i-ngat. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 32, 42 at opal.

HOROSCOPE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with