Hunyo 2, 2026
GEMINI: (May. 21-Hun. 21) – Kung may pautang, ngayon ka maningil dahil tiyak mababayaran. Kung may kalakal, tiyak na malaki ang kita basta maging consistent sa pagbebenta. Magsipag at tiyaga, samahan mo pa ng dasal. Lucky numbers at color of the day ang 4, 5, 32, 33 at red.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – May katuwiran sila kaya ang maganda ay tumahimik at hangga’t maaari, humingi ka ng dispensa. Lucky numbers at color of the day ang 23, 33, 42, 44 at neon green.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Pag-ibig ang dahilan kung kaya ka masigla. Tiyakin na alam mo ang buong pagkatao niya upang hindi magsisi. Lucky numbers at color of the day ang 8, 17, 36, 44 at bold yellow.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Alam mo kung hanggang saan ang kaya mo. Huwag patulan ang magmamayabang. Lucky numbers at color of the day ang 4, 24, 34, 44 at jade green.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Mag-ingat dahil naglipana ang masasamang tao. Iwasang lumabas sa dis oras ng gabi. Maging alerto. Lucky numbers at color of the day ang 8, 9, 39, 43, at brown.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Isang kaibigan ang kailangan ng tulong tungkol sa pinansyal. Tumulong kung kaya naman. Lucky numbers at color of the day ang 14, 17, 39, 43 at orange.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag ilagay sa ulo ang tagumpay. Manatiling mapagpakumbaba para lalo kang umangat. Lucky numbers at color of the day ang 9, 27, 33, 40 at red.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kahit anong bagay ‘pag sobra ay maglalagay sa’yo sa panganib. Kaya huwag abusihin ang katawan. Lucky numbers at color of the day ang 1, 4, 35, 39 at indigo.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Upang mapanatili ang paninindigan at pagkatao, kung anong ginawang desisyon, pangatawanan. Lucky numbers at color of the day ang 9, 27, 35, 37 at sky blue.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung akala mong tama ka, basta hindi ikakasama ng sarili at kapwa, ituloy. Lucky numbers at color of the day ang 11, 27, 39, 40 at blue.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Kung nasa gipit na kalagayan, maaasahan ang tulong ng magulang. Pero huwag mamihasa. Lucky numbers at color of the day ang 2, 7, 39, 44 at green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung matamlay at hindi maganda ang pakiramdam, kumunsulta kaagad ng doktor para hindi lumala. Lucky numbers at color of the day ang 19, 39, 40, 42 at aqua blue.
- Latest

















