Gulayan sa Paaralan...
C.P. Sta. Teresa Elem. School. garden
Ngayon po ay ibabahagi ko sa inyo ang napakagandang Gulayan sa Paaralan ng Cipriano P. Sta.Teresa Elementary School Garden sa Bagumbayan, Taguig City.
Luntian at kumpleto ang mode of farming sa nasabing paaralan dahil na rin sa kanilang masipag at mabait na coordinator na si Erik Jims H. Bongon, Teacher III ng Sta.Teresa.
Ayon kay Erik, bata pa lamang siya ay mahilig nang magtanim ng iba’t ibang uri ng gulay. “Passion ko na ang magtanim, kahit saan ako mapunta ay nagtatanim ako at ibinabahagi ko sa iba ang hiram na talento mula sa Panginoon,” ani Erik.
Sinabi ni Erik, nadestino siya sa C.P Sta. Teresa Elem. School noong September 2024 at agad siyang nagtanim ng gulay sa mga bakanteng lugar ng paaralan. “Binigyan po ako ng budget ng dating principal na galing sa eco-saver program worth of 30K para i-develop ang garden. Bumili ako ng mga buto, garden soil, garden tools at iba pa para mapaganda ang aming gulayan,” aniya.
Pahayag ni Erik, more on vertical gardening ang kanilang mga tanim at karamihan sa kanyang ginamit ay mula sa mga patapon nang bagay tulad ng mga bote ng sofdrinks, bote ng mineral water, sako, gulong ng sasakyan at iba pa.
Ani Erik, mula sa conventional farming o pagtatanim sa lupa ay pinasok din nila ang Aquaponics o pagtatanim sa tubig na may isda, Hydroponics at sinisimulan na rin ang Mushroom farming sa nasabing paaralan
Pahayag ni Erik, pagtatanim ng gulay ang kanyang itinuturo sa kanyang mahigit na 200 estudyante kada school year, para matuto ang mga kabataan ng kahalagaan ng pagtatanim ng sariling pagkain.
Aniya noong una ay marami rin siyang challenges o struggles na nararanasan lalo na kapag panahon ng tag-init at tag-ulan.
Pero hindi siya sumuko, sa halip ay lalo pang nagsaliksik at ibinigay ang kanyang best. “Isa kasi ang panuntunan ko sa buhay, Do your best, God will do the rest,” sabi pa ni Erik.
Sa ngayon ay madali lang nasusulusyunan ni Erik ang mga suliranin sa pag-tatanim tulad ng pagpuksa sa pagsalakay ng mga insekto at problema sa fungus. “Gumagamit ako ng mga organikong pataba at organic pestesides, kaya safe and healthy ang aming mga ani,” sabi pa ni Erik.
Ang mga gulay na nabanggit sa kantang bahay kubo ay halos makumpleto na ni Erik sa pagtatanim.
Majority sa mga harvest na gulay sa paaralan ay ginagamit sa feeding program at ‘yung iba na sobra ay binebenta para gamitin uli na pang bili ng panibagong binhi.
Payo ni Erik sa mga baguhan sa farming ay tanim lang ng tanim, huwag mawalan ng pag asa, pasasaan ba at mape-perfect mo rin.
“Maraming benepisyo ang nakukuha ko sa pagtatanim. Una, masustansyang gulay ang aking maha-harvest. Pangalawa natuturuan ko ang mga kabataan sa larangan ng pagtatanim, stress reliever, exercise ko na rin,” sabi pa ni Erik.
Madalas ay nagpupunla ng marami si Erik para ang sobra sa kanyang itatanim sa kanilang Gulayan sa Paaralan ay ipinamimigay niya sa iba.
“First come, first served po sa mga gustong humihingi sa amin ng punla,” ani Erik. Taus pusong nagpapasalamat si Erik sa suporta ng kanilang principal, kapwa guro, mga magulang, brgy officials, LGU ng Taguig at kanilang mga donors.
Bukas araw ng Linggo, Agosto 10, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Erik sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag ah, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest















