Marso 17, 2025
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Taglayin ang hinahon at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at maintin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang mahabang pasensiya. Iwasan ang mangako dahil mapapako. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 32, 33 at pink.
ARIES: (Mar. 21- Abr. 19) – Ang suliranin sa minamahal ay hindi da-pat dalhin hanggang sa pinagtatrabahuhan. Isang lihim ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 39, 41 at oak brown.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Iwasan ang tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 37 at sky blue.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap.Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 38 at jade green.
CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Taglay ang kasiglahan su-balit madaling mapipikon at mag-iinit ang ulo na dapat paglabanan dahil sariling kalusugan ang magdurusa. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at bold yellow.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Tanggapin ang pagkamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban, mahalaga ang magtiyaga. Lilipas din ang kaguluhan ng isip. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 40 at orange.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ang dapat pagdesisyunan ay pag-isipan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 42 at electric blue.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Maganda ang pa-latandaan tungkol sa pagakakaroon ng love life. Kung isang Taurus ang makikilala, malamang na magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at jade green.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan. Happy ka. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 39, at brown.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 40, 42 at aqua blue.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga sablay na nagawa ay malamang maulit. Disiplina ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 40, 41 at neon green.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Nasa magandang pakiramdam ang katawan para tapusin ang lahat ng trabaho na nakaatang. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 33, 34 at green.
- Latest