^

Kutob

Marso 8, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Makakatanggap ka ng malungkot o nakakagalak na balita sa pamamagitan ng text. Alaming mabuti bago magpaapekto at baka nagkamali lang ng padala. Maraming hahanga sa iyo dahil sa ipapakitang talino at sipag. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) –  Mataas ang pangarap mo sa araw na ito. Kung paano mo ito sisimulan, isang malaking palaisipan na. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at ocean blue.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Maluwag ang iyong dibdib dahil sa ginawa mong pagpapatawad sa taong malaki ang pagkakasala sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 38 at brown.

GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Matinding selos ang mararamdaman. Ito ay bunga ng pakikipagkaibigan ng iyong mahal sa isang mayamang tao. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at purple.

CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Masakit ang iyong ulo sanhi ng sobrang pag-inom ng alak.Titigilan para hindi mauuwi sa gamot ang pera mo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 29, 31, 44 at beige.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Magiging balakid sa pag-asenso ang ginagawang panlalamang sa kapwa. Baguhin habang may panahon pa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 27 at apple green.

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Aakuin mo ang responsibilidad na dapat ay sa iyong kapatid o kasamahan. Nakatakda kang magsakripisyo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Ang pag-asenso ng isang tao ay hindi binibigay, ito ay pinaghihirapan. Huwag mainggit sa mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 27, 33, 40, at lemon green.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Harapin ang umaga na may ngiti sa labi. Iwasan na makipagtalo. Dahan-dahan sa pagsasalita. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 21, 24 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Mahirap hanapin ang totoong pagmamahal. Gayunman darating ito sa tamang panahon at oras. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 29, 37 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Isang suliranin ang darating. Kailangan mong mamili sa dalawang nagmamahal sa iyo. . Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at ruby red.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Magkakaroon ng kaunting problema sa pananalapi o ibang pangangailangan. Umiwas sa mataong lugar. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 28, 35 at orange.

KUTOB

LUCKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with