Nobyembre 19, 2024
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Sa ayaw o gusto, kailangan nang magsimulang kumilos dahil sa kagipitan. Bagama’t tinatamad, matutuwa kapag nakitang unti-unting natapos ang trabaho. Sapat na ang inilaang araw sa pagpapahinga, pagsasaya at pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 34, 39 at lavender.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Mahihirapan ka makapagdesisyon kung sari-sari ang laman ng isip. Dapat mag-pokus. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 28 at maroon.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Minsan kailangan talaga ang tulong ng iba. Huwag piliting magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Hinahangaan ka nila. Marami ang maghangad o gustong sumama sa iyo para sila naman ay maging produktibo. Lucky numbers at color for the day ang 21, 34, 40, 44 at brown.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung nahihirapan sa pagdedesisyon, makakabuting humingi ng payo sa malapit na kaibigan o sa isang psychic. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 39 at pink.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag ng lumayo pa ng tingin. Ang gamit na matagal nang hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 37, 45 at peach.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Ihanda ang sarili sa problemang maaaring darating sa pinansiyal o sa relasyon. Maging maagap sa iyong mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5,9, 18, 23 at red ruby.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magiging negatibo sa pag-isip na kahit maganda ang nasa paligid, manatiling nababahala. Kumalma ka at maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 24, 32 at purple.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Hindi masama ang maging masaya subalit huwag kalimutan na may mga responsibilidad na nakasalalay sa balikat. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 30, 37 at sun yellow.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Hindi sa lahat ng oras ay magagawang iwasan ang suliranin. May solusyon kung pagsikapan hanapin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 30, 40 at blue.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Makakabuting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari at saka magbigay ng komento. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 15 at sky blue.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung gugustuhin, maraming trabaho ang matapos kung magsisipag. Kailangan lang ang disiplina sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 35, 43 at neon green.
- Latest