^

Kutob

Nobyembre 6, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magpasalamat kung may kaibigan na magsasabi tungkol sa hindi kanais-nais sa iyong ugali, para maituwid kaagad at hindi na lumala. Kung may napuna kang nilalayuan at may hindi nagustuhan sa iyo, kumilos na bago pa lubusang mawalan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 40, 43 at neon green. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Hindi masama ang umibig basta tiyakin na walang pananagutan sa iba at sang-ayon ang kamag-anakan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 33, 37 at sky blue. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang madalas mong reklamo ay magbigay ng demirito sa tungkulin. Tiyakin na may matibay na dahilan ka. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 30, 40 at blue. 

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Mahalagang pakinggan ang mungkahi, pangaral o suhestiyon para sa ikauunlad ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 34, 39 at green. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung may itinatago, iwasang maikwento sa iba dahil tiyak pagkukumpulan ng mga marites ‘yan. Lumayo sa tsismosa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 32, 33 at red. 

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Tingnan ng mata, pakinggan ng tainga subalit  itikom ang bibig, huwag magtsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 18, 43 at orange. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may negosyo, magsisimula ang pag-unlad. Kung “buy and sell” ang kalakal, magkaroon ng potential prospect. Lucky numbers at col-or for the day ang 3, 4, 34, 36 at indigo. 

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Halos lahat ng bawal ay napakasarap masubukan. Sa mga walang pananagutan sa buhay, huwag tikman ang pinagbabawal. lucky numbers at color for the day ang 18, 20, 39, 41 at brown. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Masakit man ang mga katagang iyong maririnig, pikit-matang tanggapin dahil alam mong may pagkakamali ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 30, 34 at red. 

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ang daliri ng kamay ay kalian man hindi pantay, ang kaya mo ay hindi kaya ng iba, subalit may kaya ang iba na hindi mo kaya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 32, 39 at jade green. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung may pangako, huwag kalimutan na tawagan at humingi ng dispensa bata man o matanda para hindi masira ang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 9, 20, 38, 40 at yellow. 

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung may katungkulan at may kamaliang nagawa ang nasasakupan, huwag matakot na kumprontahin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 41, 42 at aqua blue. 

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with