^

Kutob

Agosto 19, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Suliraning pinansiyal ang bumabagabag subalit kung pagsisikapan, matutugunan dahil may makakatulong. Huwag sarilihin ang problema. Maging bukas sa pagsasabi sa malapit na kaibigan, kasamahan o kamag-anak dahil sila ang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 32, 36 at fuchsia.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ngayon mo mapapatunayan kung gaano katotoo ang karma. Kung mabuti ang ginawa, ito rin ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 27, 38 at cream.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung may hindi pagkakaunawaan sa relasyon, nakaamba ang panganib. Gawan agad ng solusyon.  Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 27, 29 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – May balakid sa mga binabalak, ngunit mapapansin at maitutuwid kung pag-aaralan muna bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 14, 24, 34, 39 at aquamarine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Masaya mong sasalubungin ang umaga, ngunit mag-ingat sa makakati ang dila dahil ikaw ang pagtsitsismisan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 39, 41 at ocean blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Makakahanap ka ng magandang solusyon sa iyong nagdaang suliranin, pero may haharapin na mas malaking problema. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 37, 43 at red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Huwag sarilihin ang balak na magtrabaho sa ibang bansa. Ikunsulta at hingin ang opinyon ng mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 24, 31 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Nakataya ang kinabukasan ng pamilya. Huwag magtiwala sa usapan lamang. Ilagay sa kasulatan ang napagkasunduan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 29, 34 at yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Mahalaga ang kapakanan ng pamilya kaya huwag ipagkait, paglaanan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 28, 30 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hangga’t maaga, iwasan ang masamang impluwensya ng barkada. Kung hindi lalayo, madadamay ka sa kanila. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 34, 42 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Mataas ang pride ng kabilang panig. Walang masama kung babaan ang pride kung mahal mo ang isang tao. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 31, 39 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging masaya ang araw kung makakasama ang isang Leo. Malamang makatagpo ang iyong soulmate. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 33, 40 at brown.

vuukle comment

HOROSCOPE

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with