^

Kutob

Walang ganang mabuhay

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawa kaming nagtatrabaho noon ni Bart. Pareho kaming factory worker kaya sa liit ng kinikita namin, kailangan na kaming dalawa ang kumakayod.

Iyan ang dahilan kung bakit wala pa kaming anak sa loob ng tatlong taong pagsasama namin. Kailangan munang makaipon.

Naaksidente ang asawa ko sa motor at naputulan ng dalawang paa.  Hindi work related ang sakuna kaya walang benepisyong nakuha.

At dahil baldado na, nawalan na rin siya ng trabaho.

Mabait ang employer namin kaya binigyan kami ng malaking halaga na ipinagpatayo namin ng tindahan.

Si Bart ang tumatao sa tindahan habang nagtatrabaho ako at malaking tulong ang tindahan namin.

Kaso madalas nagmumukmok ang asawa ko dahil akala niya wala na siyang silbi. Sinasabi niya na gusto na niyang wakasan ang buhay niya. Ano ang gagawin ko?

Aida

Dear Aida,

Sabihin mo sa kanya na ang pagma-manage ng inyong tindahan ay patunay na may silbi siya, na mahalaga sa inyong future.

Ipaunawa mo na kung mawawala siya nang tuluyan, paano ka na? Kung mahal ka niya, hindi niya dapat isipin ang pagpapatiwakal.

Marahil, pansa-mantala lang ang dinaranas niyang self-pity at mawawala rin kapag well adjusted na siya.

Dr. Love

BART

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with