^

Kutob

Hulyo 4, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalusdalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang husay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kahit masakit sa kalooban mapaglalabanan ng sarili ang gustong bilhin na bagay dahil sa kakapusan ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Nababagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 33, 40 at scarlet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ito ng buong tatag. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang gawain na hindi nagawa o napapansin noon ay may panahon na matapos ngayon. May udyok ng pakikipagsapalaran. Lucky num-bers at color for the day ang 2, 8, 12, 27 at beige.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – May gantimpalang naka-antabay sa pagbibigay ng tulong. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 28, 38 at dollar green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang pakikiisa sa tahanan, maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Magiging masuwerte sa anumang negosyo kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis o balita na makapagpapainit ng ulo. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with