^

Kutob

Mayo 9, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Dahil ipinamalas mo ang iyong husay at galing isang kasamahan ang gagawa ng paraan para mabigyan ka nang mas magandang posisyon sa trabaho. Ang pangyayaring magaganap ay malinaw na landas ng iyong tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 21, 27, 34 at maroon.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magkarooon ng balakid sa iyong mga plano, ngunit isang napakahalagang aral ang iyong mapulot mula rito. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Dahil mabuti kang tao at maraming magagandang bagay ang ipinamalas, marami ang mapapa- “sana all” sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 38 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kung pangungutang ng pera ang sadya mo sa isang kaibigan o kamag-anak, huwag mo nang ituloy dahil mapahiya ka lamang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 27, 39 at burgundy.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ang taong laman ng isip ay darating sa bahay mo ngayon. Ang dalang balita ay ikakagalak o ikakalungkot mo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 22, 32 at cherry red.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Isakatuparan kaagad ang mga bagay na iniisip dahil magbubunga ito ng tagumpay. Pero tiyakin ang safety ka sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 19, 31 at purple.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung kapamilya ang turing sa katrabaho, gayundin sila sa iyo. Kaya ngayon na kailangan mo ang tulong, maasahan sila.  Lucky numbers at color for the day ang 16, 28, 41, 42 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Hindi ka dapat manghimasok sa desisyon ng isa mong kapatid. Magpakita ng suporta at kung nagkamali siya, tulungan mo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 35, 40 at shocking pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Hahanap hanapin mo ang dating karelasyon. Lulunukin mo ang iyong pride para bumalik siya sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 27, 42 at ivory white.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Posibleng mapasubo sa commitments dahil sa pabigla bigla mong desisyon. Sikapin na maging responsable. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 20, 38 at corn yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Maaliwalas at maganda ang panahon. Walang magiging problema sa trabaho o tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 24, 25 at turquoise.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Hindi na kailangan lumayo ng tingin kung bibigyan ng pansin, ang hinahanap ay ma-lapit lang sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 28, 38 at royal blue.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with