^

Kutob

Enero 1, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Manatiling kalmado. Ang pagkataranta at pagmamadali ay lalo magdudulot ng hindi maganda at pagkalito. Resulbahin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Maayos ang suliranin kung hindi magiging emosyonal dahil madaling makakahanap ng solsusyon. Lucky numbers at color for the day ang  4, 10, 26, 30 at strawberry red.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung malungkot o nasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at chocolate brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ihanda ang sarili sa hamonf darating. Pinansiyal, pag-ibig o damdamin ang suliranin, tiyak makakayang lutasin kung hindi magiging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 44 at jade green. 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ano man ang gawin, tiyak maganda ang magiging kalalabasan. Iwasan ang katarayan para walang makaaway. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ngy 13, 16, 39, 40 at yellow green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang akalang kay hirap gawin ay madali pala kapag nasimulan. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at mag-papaganda ng mood. Huwag mahiyang sabihin kung may problemang dinaranas. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at rainbow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Walang sino man ang maaaring uminsulto, iyan ang prinsipyo ng iyong pagkatao. Tanggapin kung alam ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at violet.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) May kalituhan ka ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Iwasan magpadalos-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at neon green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23)  Himala dahil marunong ka ngayon makisama at makibagay. Ang ugaling ito ang siyang gusto ng mga kaibigan. Panatilihin ang ganitong ugali. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at red orange.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Pairalin ang utak, hindi ang emosyon. Bagama’t mabigat ang timbang ng pag-ibig, higit na may kapangyarihan ang isip kaysa puso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at golde brown.

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Isang Taurus o Virgo ang makikilala, na malamang hahantong sa relasyon. Nasa panig mo ngayon ang mahalang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at silver.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isang balita ang matatanggap na tiyak makapagpapasaya sa’yo. Pero magpakatatag sa pagsubok na darating. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 31 at burgundy.

LUCKY NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with