^

Kutob

Marso27, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tapat ang Manlilikha ko, hindi ako mag­kukulang. Ang panibagong araw ay panibagong pagpapala at pagkakataong umunlad.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag magtaka sa mga pabor na pinagkakaloob ng ka­ibigan, kasambahay at kasamahan o kabaligtaran nito, dahil gumaganti lamang sila sa ginagawa mo sa kanila. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag kang mainip, may mga dahilan kung bakit makakasagupa ka ng mga sagabal. Kung minsan ito ay isang paraan ng Poong Maykapal para ilayo ka sa kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Sa hirap ng buhay ngayon, dapat lamang unahin ang pang-araw-araw na kailangan. Lalo na kung may pinapa-aral. Iwasan muna ang luho at bisyo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung baguhan ka sa trabaho, bigyan ng sapat na panahon ang sarili na makapag-adjust sa situwasyon. Natural lamang na mahirapan ka sa umpisa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Lumalandas na magkakaroon ng problema sa trabaho o relasyon. Mag-ingat sa mga ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung walang kabuluhan at hindi importante ang sasabihin, huwag magsalita dahil mapapaaway ka lang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Magiging mahina ang iyong pakiramdam kaya talasan dahil may gustong sabihin ang isang malapit sa puso, na hindi kayang isatinig. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Maaaring makamit ang minimithi. Huwag patulan ang alok na ikakasira ng reputasyon at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang iniisip na paraan para kumita ng malaki ay dapat iwasan dahil lalo kang mawawalan. Mahalin ang kasalukuyang trabaho dahil nasa tamang landas ka ng pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang mga magulang ay palaging nasa likuran mo at sumusubaybay. Matutuwa ka sa oportunidad na paparating. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung lalawakan mo lamang ang iyong pananaw sa kasalukuyang situwasyon, makikita mo kung saan ka nagkulang. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Wala sa iba kundi sa sarili ang paggawa ng magandang kinabukasan. Hangga’t maaga at may pagkakataon pa hanapin ang tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

vuukle comment

MANLILIKHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with