^

Kutob

Enero 18, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Walang makakapigil sa pag-unlad ko, dahil tapat ang Manlilikha ko.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kompetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit, subalit asahan na isa ka na sa kandidato. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o sulat. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong materyal o payo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 32, 39 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag maging ipokreto kung anuman ang payo ay dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Walang magsasalita laban sa iyo, kung walang nakitang kamaliang nagawa. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga at ikakabuti. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 30, 35 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang pagharap ng walang puwang na oras sa gawain ay hindi magbibigay ng katamlayan sa sarili. Maging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak na kaunlaran. Ang pag-ibig ay siyang gabay at inspirasyon sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 27 at lemon green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang taglay na kasipagan at tiyaga ang mabisang puhunan para makamtam ang kaunlaran. Ang responsibilidad sa pamilya ang siyang magiging pangunahin kaysa sarili. Magkakaroon ng suliranin sa oras sa pagitan ng trabaho at ng pamilya. Hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil lahat ay may solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 29, 42 at beige.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung may lalakarin, sa uma­ga gawin upang maging tagumpay. Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan, subalit sa bandang hapon ay magiging matamlay at mabagal. Naaayon ang pamamasyal o pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak pagkatapos ng trabaho o gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kailangan ang matibay na self-control sa sarili dahil baka may susubok ng iyong pagti­timpi. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo dahil sisirain ang iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 20, 21 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang mga praktikal na gawain ay siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang sahod na halos hindi sapat sa pangangailangan ng sarili at pamilya ay magbibigay ng katamaran sa gawain. Bigyan ng parehas na panahon at atensyon ang tungkulin at ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 24, 34, 42 at red.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Upang maging tagumpay sa trabaho, alamin ang lahat ng detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag ikahiya at magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsasaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. May pagkakataon na sasalungat ka sa gusto ng iba at igigiit ang sariling katuwiran kahit hindi tama. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 18, 38 at cream.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog. Maging sa sarili hindi nakakatiyak kung ano ang dapat gawin. Dapat mag-relax, pamamasyal o manood ng sine upang makasagap ng magandang inerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 23, 34 at maroon.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maaaring ngayon makamit ang matagal nang inaasam-asam. Subalit magiging sensitibo ka sa mga kaunting bagay. Maaaring masaktan ka sa mga salitang maririnig. Upang manatiling balance ang enerhiya ng kaligayahan, makakabuti ang maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 23 at ruby red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Sikapin na ang lahat nang nakabinbin na gawain ay matapos bago sumapit ang hapon. Ang anumang maiwanang gawain ay mawawalan ng kabuluhan sa hinaharap. Ang kalusugan ay hindi magiging sagabal sa pagtupad sa tungkulin at obligasyon. Nasa sariling pagsisikap ang ikauunlad ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 18, 38 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maganda ang pagkakataon upang hanapin ang dekalidad na investment, kaysa magpabandying-bandying at walang gawin. Ang talento ay malaking puhunan sa ikauunlad, kaya panahon na upang magamit sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tututol at ipagpatuloy ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

 

 

HOSOCOPE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with