^

Kutob

Nobyembre 27, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang karunungan ay nagsisimula sa pagkilala sa Diyos. Ang pagkilala sa Kanya ay pagsunod sa mga salita Niya.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Umaayon ang panahon na pakipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat paglabanan. Kailangan ayusin ang mga gastusin. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, anuman ang hirap o bigat ng gawain ay magaan na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali kaya konsentrasyon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan. Umaayon ang panahon sa proyektong pang-komunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May pagkakagastusan na hindi maiiwasan subalit ang magandang balita ay lumalandas ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magiging lubos ang kali­gayahan kung kasama ang minamahal. Kailangan mag-ingat sa pag-gastos para may maitabi at mailaan sa kakailanganin. Ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magka­ibigan o kasam-bahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at blue agate.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang-halaga at panahon ang pag-aalaga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay po­sibleng mauwi sa pag-iibigan. Handa ka ngayon magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagka­sensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong ka­ibigan na malamang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kina­­uukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad nang hindi madapa o matisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulan na mag-impok para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay may dahilan para maipagpaliban. Walang problema sa trabaho ngunit may kaunting gusot sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Hindi magi­ging abala subalit maraming mahahalagang gawain na matatapos. Panindigan ang prinsipyo para hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. May magseselos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

SHY

STRONG

UMAAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with