^

Kutob

Marso 7, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kalooban ng Dios ang nana­nahan sa puso ko. Anuman ang pananadya ay madadala ko nang may kagaanan sa buhay ko.

PISCES (Pebrero 19 Marso 20) - Magkakaroon ng malakas na kamalayan na maging maagap sa lahat ng bagay. Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May hindi inaasahan na pagkakagastusan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at violet

ARIES (Marso 21 Abril 19) – Iwasan na maging mainitin ang ulo. Magiging maligaya kung kasama ang minamahal. Kailangan na mag-ingat at magtipid sa pag-gastos para may maitabi. Ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kaibigan o kasam-bahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

TAURUS (Abril 20 Mayo 20) – Magi­ging kasiya-siya ang pakikisalamuhang sosyal kung mabibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang-halaga at panahon ang pag-aalaga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

GEMINI (Mayo 21 Hunyo 21) – Mada­ling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang pagsasamang magkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Handa ka ngayon magbigay ng tulong sa kaibigan na may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CANCER (Hunyo 22 Hulyo 22) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakatagpo ng bagong mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at red.

LEO (Hulyo 23 Agosto 22) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue

VIRGO (Agosto 23 Setyembre 23) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad ng hindi madapa o matalisod dahil may kahinaan mula baywang hanggang talampakan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

LIBRA (Setyembre 24 Oktubre 23) – Bagong pag-ibig ang pupukaw sa damdamin. Simulan ang mag-impok para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong isagawa ay may dahilan na maipagpaliban. Walang problema sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at green.

SCORPIO (Oktubre 24 Nobyembre 22) – Hindi gaanong abala subalit mara­ming mahahalagang gawain ang matatapos. Panindigan ang prinsipyo para hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 Disyembre 21) - Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan. Magiging abala sa mga gawain. Dapat makiisa sa mga kasamahan para walang masabi laban sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla sa kilos at damdamin. Dahil sa kasiglahang taglay, ano man ang hirap o bigat ng gawain ay magaang na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali kaya konsentrasyon ang kailangan anuman ang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20 Pebrero 18) – Isang kaanak o kasamahan ang malamang magkakaroon ng hinanakit sa iyo. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan. Umaayon ang panahon sa proyektong pang-komunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

UMAAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with