Pebrero 24, 2015
Pagtitibay: Sa likod ng pagsubok ay bagong oportunidad. Kaya sikapin na magpakatatag hanggang malampasan ang lahat at matamo ang pagpapala.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Bigyang laya ang sarili sa pag-ibig. May magandang kapalaran na naghihintay para sa iyo. Maaaring dumating na ang matagal nang hinihintay o inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 31, 40 at Garnet Red.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang matagal nang hinihintay ay malamang darating. Huwag mawalan ng pag-asa dahil kung kikilos, tiyak may mangyayari. Kung may lalakarin, sa umaga dapat isagawa at tiyak positibo ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 34 at Jade Green.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magpakita ng magandang ugali sa kabila ng hindi magandang pakikitungo ng kapitbahay o kasamahan. Maaaring ikaw ay maging isang magandang halimbawa sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 15, 28 at Purple.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magiging suliranin ang pag-ibig. Malamang, magbreak ang magkasintahan o magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at hahantong sa hiwalayan. Kung selos ang dahilan, unawa at tiwala ang kailangan dahil mali ang iyong inaakala. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 31, 40 at Garnet Red.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Makakatulong ka sa isang kamag-anak na may karamdaman o pangangailangan. Magiging angkop ang araw para makadalaw. Mapapawi ang tampuhan na namamagitan sa inyo ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 18, 26 at Royal Blue.
CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – May taong lalapit para hingin ang iyong opinyon tungkol sa pag-unlad ng negosyo, personal o ibang bagay. Maaaring matulungan mo siya o sila ngunit kailangan ang masusing pag-aaral sa kanilang suliranin. Sa pag-ibig, huwag biguin ang minamahal sa kanyang inaasam na kaligayahan sa iyong piling. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 39 at Indigo.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging kasundo ang isang bagong kakilala at malamang hahantong sa pagiging mabuting magkaibigan. Ang buong maghapon ay magiging masaya ngunit dapat iwasan ang paggastos. Magtipid. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 39 at Pearl Pink.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Magiging mapaghamon ang araw subalit huwag mabahala dahil mananaig ang kapakanan. Malalampasan ang mapaghamong pangyayari sa tulong ng iyong talino at angking kakayahan. Relax at huwag mag-panic. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 12, 30 at Avocado Green.
LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Madaling magagampanan ang mga gawain. Makakatulong at maipapakita sa mga kasamahan ang ganap na kooperasyon sa mga binabalak at gagawing proyekto pero mag-ingat, dahil may ilan na hindi mapagkakatiwalaan.
SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kung may binabalak na lakad. Mag-ingat sa bawat hakbang lalo na sa mga hindi pantay na lugar dahil may kahinaan ang bandang ibaba ng katawan. Maaaring madisgrasya ka. Huwag kalimutan ang manalangin para magkaroon ng malakas na kamalayan at pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 3, 25, 27, 45 at Mint Green.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Unahin ang gawain na inaakalang madaling matapos. Maaaring mapag-usapan ang bagay na hindi nauunawaan. Maiiwasan ang gulo kung idadaan sa mahinahon at lamig ng ulo ang pag-uusap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 19, 24 at Lavander.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May hatid na kasiyahan ang pagkakataon na makasama ang mga dating kaibigan. Magiging masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 33, 40 at Peach.
- Latest